IBINIGAY ni Shane Tormes sa Pilipinas ang una nitong panalo sa Miss Global pageant noong isang taon, ngunit hindi na siya makapaghintay na maipasa ang korona niya. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugang ayaw niya sa titulo. Sinabi niyang excited siya sa susunod na patimpalak at nais nang makilala ang tagapagmana niya.
“This year it’s gonna be in Vietnam, in Ho Chi Minh City in June. I have no idea how many candidates there will be, but 15,000 will be watching the event. This is our 10th anniversary. So it’s gonna be so big,” sinabi ni Tormes sa Inquirer sa isang panayam sa SM Skydome sa Quezon City kung saan siya nag-judge sa unang Lueur Lauren Calendar Girl search noong Enero 31.
Tumulak na si Tormes sa Ho Chi Minh noong isang taon upang masaksihan ang opisyal na paghahayag ng organisasyon na Vietnam ang host country para sa 2023 Miss Global pageant. Doon, isang bagong korona ang ipinakita. “It’s gonna be called the ‘Phoenix Crown,’ so there are red stones. Red means hope and strength,” ibinahagi ni Tormes.
Sa bagong korona, sinabi ni Tormes na naghahanap ang Miss Global pageant ng “someone who is optimistic and very courageous” upang manahin ang titulo niya. “So sino kaya ang susunod na Miss Global for this year? I don’t know, I’m just excited to know who that girl is,” aniya.
Abalang abala ang reigning queen sa mga tungkulin niya bilang Miss Global. Maliban sa Vietnam, pumunta na rin si Tormes sa Malaysia para sa ilang events bilang titleholder. Ngunit pinakahindi niya makakalimutan, aniya, ang pag-awit sa Harper’s Bazaar event sa Ho Chi Minh sa harap ng napakaraming tao.
“Andaming A-list celebrities, fashion designers, and models who actually attended that event. Kung iisipin napaka-intimidating ng event, but I was happy kasi most of them doon ko lang nakita,” ibinahagi ni Tormes.
At dahil Pilipina siya, pasan niya ang imahe ng bansa bilang tahanan ng mga mahuhusay na mang-aawit. “I think I did well naman, based on what they gave me, the impression to my singing. The Italian version of ‘Time to Say Goodbye’ is actually a challenging thing, pero happy naman ako na nagawa ko naman siya nang maayos,” anang reyna.
Ibinahagi ni Tormes na may mga biyahe pa siya sa hinaharap, kabilang ang pagpunta sa Vietnam para sa promotional shoots and videos. “I’m busy and I’m happy for the opportunities that the Miss Global organization and Miss Global Philippines are giving me,” aniya.
Sinabi rin niyang malapit nang malaman kung sino ang sunod na kakatawan sa Pilipinas sa Miss Global pageant. “Malay mo makaka-back-to-back tayo this June. Sana, I’m praying for that,” ani Tormes.
Related Chika:
Shane Tormes itinanghal bilang Miss Global 2022
Pia sa galit na galit na mga Vietnamese: I wasn’t being sarcastic or questioning your win at all!
Catriona Gray sinalubong ng Vietnamese fans, guest judge sa Miss Universe Vietnam
Beatrice Gomez: Ibinigay ko na po lahat, I’m very satisfied with everything that I did