Kuya Kim inokray ng mga fans ni Donnalyn Bartolome, tinawag na papampam: 'Sawsaw pa more!' Bandera

Kuya Kim inokray ng mga fans ni Donnalyn Bartolome, tinawag na papampam: ‘Sawsaw pa more!’

Ervin Santiago |February 07,2023
share this

Kuya Kim inokray ng mga fans ni Donnalyn Bartolome, tinawag na papampam: ‘Sawsaw pa more!’

Ervin Santiago - February 07, 2023 - 07:17 AM

Kuya Kim inokray ng mga fans ni Donnalyn Bartolome, tinawag na papampam: 'Sawsaw pa more!'

Donnalyn Bartolome at Kim Atienza

NA-BASH nang bonggang-bongga ang Kapuso TV host na si Kim Atienza nang magkomento siya sa Facebool Live ng controversial  content creator na si Donnalyn Bartolome.

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang pagsawsaw umano ng Trivia Master sa panibagong issue na kinasasangkutan ni Donnalyn nang dahil sa naging pahayag niya hinggil sa isang nanay na inaatake ng insecurity.

Sinagot kasi ng actress-singer ang isa niyang socmed follower nai-insecure sa kanyang itsura  matapos manganak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)


Sabi ng nasabing fan, “Grabe sobrang ganda niyo po. Nakaka-insecure po talaga, lalo pag tumitingin na ako sa salamin after birth (sad face emoji).”

Ang sagot sa kanya ni Donnalyn, “Mommy isipin mo na lang binuntis ka… sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis.

“Parang talo mo ko sa ganda wag ka na ma-insecure diyan ha… I’m sure maganda ka, smile ka na,” ang payo sa kanya ni Donnalyn.

Makikita naman sa recorded video ng Facebook Live ni Donnalyn ang comment ni Kuya Kim na, “Hope is all well.”

Dahil nga rito, nakatikim ng pang-ookray at pambabara si Kuya Kim mula sa mga fans ni Donnalyn na tinawag pa siyang epal.

“Kuya Kim Atienza papampam!”

“Kuya Kim Atienza tengene HAHAHAHA.”

“Sawsaw pa more.”

Nauna rito, inakusahan din ng mga netizens si Kuya Kim ng pagiging “certified sawsawero” dahil sa pagkokomento at pagla-like sa mga kinasasangkutang issue nina Karylle at Vice Ganda, na dati niyang mga kasamahan sa “It’s Showtime.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksiyon, si Kuya Kim.

Donnalyn may hugot sa pagbabalik-trabaho ngayong 2023, netizens napataas ang kilay: ‘Amaccana accla’

Donnalyn nilinaw na hindi kinasuhan si Jose Hallorina: Paano mo ko ako matatalo sa korte?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donnalyn Bartolome tinalakan ng madlang pipol, binansagang ‘Queen of Toxic Positivity’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending