Kim Atienza ‘papansin’ na nga raw, ni-like ang mga tweets patungkol kay Vice
MARAMI na ngayon ang nambabatikos sa Kapuso TV host na si Kim Atienza dahil tila masyado na raw itong papansin sa social media.
Hindi rin kasi nagustuhan ng madlang pipol ang pagre-react at pakikisakay nito matapos mag-trendin sina Karylle at Vice Ganda sa social media.
Tinawag na kasi ng netizens ang pansin ng komedyante dahil na-offend ito sa “unfair treatment” niya kay sa TV host-singer at isa nga sa mga nag-react ay si Kuya Kim.
At sa episode nga ng “It’s Showtime” kahapon ay nagpatutsada si Vice patungkol sa isang “kuya” na nagla-like para rin mag-trending.
@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle. https://t.co/XnAJremUeR
— kim atienza (@kuyakim_atienza) February 2, 2023
“‘Yan ang bet nila. ‘Yung magkaaway tayo kunyari. Tapos maraming magla-like like para involved sila. Yes, trending din siya. Nakuha niya ‘yung gusto niya. Ikaw talaga kuya!” natatawang sey ni Vice.
Marami sa mga netizens ang naghinuha na si Kuya Kim ang pinatutungkulan nito dahil isa nga ito sa mga nag-react at nag-trending sa Twitter.
Matapos nga nito ay may mga netizens nag-post ng screenshots kung saan nag-like ang Kapuso host sa tweet na naglalaman ng statement ni Vice.
“Kuya Kim, may amats ka ba? Yung totoo?” saad ng isang netizen.
Nang bisitahin naman namin ang Twitter account ng dating “It’s Showtime” co-host at nang tignan namin ang likes tab niya ay makikitang puro ito patungkol nga sa mga pahayag ni Vice sa Kapamilya noontime program.
Chika pa ng isa, “jusko mga liked tweets ni Kuya kim. Halatang may gustong iparating kay vice.”
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Kuya Kim hinggil sa isyu.
Related Chika:
Vice Ganda nag-apologize kay Karylle, may patutsada kay Kuya Kim?
Kim Atienza sinabihang ‘sawsawero’ ng netizens, male version raw ni RR Enriquez
Kuya Kim kinontra ang paratang ng bashers na inokray niya ang ‘Showtime’
Kuya Kim tinawag na plastik ng basher dahil sa mensahe kay Vice: May mga tao talagang likas na toxic
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.