PopCom naaalarma sa bilang ng ‘teen pregnancy’, ang pinakabata nasa edad 10
SA kabila ng pagbaba ng “teenage pregnancy” sa bansa na nasa edad 15 hanggang 19, panibagong problema ang kinakaharap ngayon ng Commission on Population and Development (PopCom).
Nababahala ang PopCom na dumadami pa rin ang mga batang nabubuntis na nasa edad 10 hanggang 14.
Dahil diyan ay nanawagan na si PopCom Executive Director Lisa Grace Bersales sa gobyerno na gumawa ng aksyon upang mabawasan ang mga nabubuntis na mga bata.
“Our concern now are births from [aged] 10 to 14 – the much younger teenage girls,” sey ni Bersales sa hearing ng House committee.
Binanggit pa ni Bersales ang isang data mula sa Philippines Statistics Authority (PSA) na nakapagtala ng 2,113 ng panganganak sa nasabing age group noong 2020.
At base naman daw sa na-record ng Department of Health (DOH), umabot ng 2,299 ang mga batang nanganak noong 2021.
Ayon sa PopCom, ang mga nakuha nilang report ay nakakaalarma, lalo na’t ang pinag-uusapan nila ay ‘yung mga nasa murang edad.
“The statistics vary depending on the source of data, but they are all worrying. And If I may emphasize, the 10 to 14 [age group] is now something that we need to look into,” saad ni Bersales.
Ipinunto naman ng DOH na ang kakulangan sa edukasyon ang maaaring isa sa mga dahilan na talamak ang pagbubuntis ng mga batang babae.
“I hope this is a conjecture of mine, but that is a danger sign. A red flag. If we reduce teenage pregnancy [for aged] 15 to 19, which are highly educated, how about 10 to 14? Are we really reaching them? Are they products of child abuse? This is still a big question for us,” sey ni DOH Health Specialist Dr. Diego Danila.
Patuloy pa niya, “Kahit bawal, nagagawan nila ng paraan and they still have access without, sometimes, the knowledge of their guardians.”
“If they really need it, they will find a way to use it (contraceptives),” aniya.
Kamakailan lang ay naghain na ng magkahiwalay na panukalang batas ang ilang mambabatas na nagsusulong ng komprehensibong national policy upang maiwasan ang teenage pregnancy sa bansa.
Si dating Rep. Rex Gatchalian, na ngayo’y itinalagang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay humingi din ng isang House Inquiry para talakayin ang tumataas na bilang ng teenage pregnancy.
Read more:
Alice Dixson inokray ng bashers nang takpan ang mukha ng dyowa: ‘Me ganern! Feeling teenager lang!?’
Wilbert Ross sinabing importante ang sex education: Lalo na medyo mataas ang ating teenage pregnancy
Angel handa na bang maging madrasta sa teenager na anak ni Neil?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.