Beyonce magbabalik-entablado na after 7 years, ibinandera ang petsa ng concert tour | Bandera

Beyonce magbabalik-entablado na after 7 years, ibinandera ang petsa ng concert tour

Pauline del Rosario |February 02,2023
facebook
share this

Beyonce magbabalik-entablado na after 7 years, ibinandera ang petsa ng concert tour

Pauline del Rosario - February 02, 2023 - 06:00 PM

Beyonce magbabalik-entablado na after 7 years, ibinandera ang petsa ng concert tour

PHOTO: Instagram/@beyonce

MATAPOS ang halos pitong taon, magtatanghal na ulit sa entablado ang iconic singer na si Beyonce!

Ibinandera mismo ng singer sa social media na magsasagawa siya ng concert tour sa North America at Europe upang i-promote ang latest album na “Renaissance.”

Kung maaalala, noong Hulyo ng nakaraang taon nang inilabas ni Beyonce ang nasabing album na isang tribute para sa “Black dance music” at “queer culture.”

Caption niya sa isang Instagram post, “RENAISSANCE WORLD TOUR 2023.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Beyoncé (@beyonce)

Dahil diyan, buhay na buhay ang kanyang fans at tila excited na sa mga gagawing pasabog ng singer.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento sa Ig post:

“OMG (heart emojis) I can’t waaait!”

“Take all my money! I will definitely be there Beyonce (happy face emoji)”

Among a million other thoughts right now…. I NEED TO BE IN YOUR CONCERT”

Base naman sa website ni Beyonce, magsisimula ang kanyang tour sa Sweden at lilibot ito sa Belgium, United Kingdom, France at sa ilang parte ng Europe simula Mayo hanggang Hunyo.

Pagdating naman ng Hulyo hanggang Setyembre ay nakatakda siyang mag-concert sa maraming bahagi ng North America, kabilang na riyan ang Massachusetts, Philadelphia, Washington, Florida, at marami pang iba.

Matatandaang huling nagsagawa ng worldwide tour ang iconic singer noong 2018 kasama ang asawa nitong American rapper na si Jay-Z.

Related chika:

Ano’ng meron sina Beyonce at Heart na gustung-gusto ni Kyline Alcantara?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Beyonce nangunguna sa dami ng nominasyon ngayong 2021 Grammy Awards

Bb. Pilipinas candidates todo na ang paghahanda sa kanilang pagbabalik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending