Alex kinastigo ng netizens, dapat daw turuan na ng leksyon: 'Gayahin mo na lang sana ang Ate Toni mo' | Bandera

Alex kinastigo ng netizens, dapat daw turuan na ng leksyon: ‘Gayahin mo na lang sana ang Ate Toni mo’

Ervin Santiago |February 01,2023
facebook
share this

Alex kinastigo ng netizens, dapat daw turuan na ng leksyon: ‘Gayahin mo na lang sana ang Ate Toni mo’

Ervin Santiago - February 01, 2023 - 11:43 AM

Alex kinastigo ng netizens, dapat daw turuan na ng leksyon: 'Gayahin mo na lang sana ang Ate Toni mo'

Nadine Lustre at Alex Gonzaga

KANYA-KANYANG pagtatanggol ngayon sa social media ang mga fans at supporters nina Alex Gonzaga at Nadine Lustre nang dahil sa mga pasabog na pahayag ni Dina Bonnevie.

Hot na hot ngayon sa socmed pati na sa mga pugad ng Marites all over the universe ang tungkol sa rebelasyon ni Dina about Alex’s alleged attitude and unprofessionalism.

Nabanggit kasi ni Dina ang isang eksena habang nagte-taping sila para sa teleseryeng “P.S. I Love You” na umere sa TV5 noong 2011 kung saan nakasama nga niya sina Alex at Nadine.

Nagkuwento ang veteran actress sa live episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” tungkol sa matagal nang kuwento ng paninita niya kay Alex sa taping dahil nga palagi na lang itong late.

Sa isang bahagi ng panayam, nabanggit nga ni Ms. D na may isang eksena raw sila ni Alex sa serye na hindi makaiyak.

“Kasi may eksena siya, dapat iiyak siya. Parang mommy niya n’un, tapos di siya makaiyak. Sabi ko, ‘Alex, do you know why you cannot cry? It’s because you’re not in touch with your emotions. You’re very indifferent to your co-workers. You know what? Honestly, I want to talk to you kasi we don’t like what you’re doing and that you’re always late.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


“Sabi niya, ‘Eh marami akong mga ganap eh.’ Sabi ko, ‘Wait a minute, I’m trying to talk to you nicely. Sabi niya, ‘Hindi niyo nakikita ang side ko eh.’

“Sabi ko, ‘Hindi pa ipinapanganak ang mambabastos sa akin kaya Alex, please. Kinakausap kita nang maayos, If you want to stay long in this business, you can’t last kung ganyan ang attitude mo na palagi kang late, dito ka pa maliligo sa set, and you know, you cannot even memorize your lines. Di ka pa makaiyak.’

“Tapos nagagalit pa siya kay Nadine kung nauuna pang umiyak si Nadine. Eksena niya raw ‘yun,” ang tuluy-tuloy na pahayag ni Dina.

Kaya naman nadadamay na ngayon si Nadine na talagang ipinagtanggol naman ng kanyang mga tagasuporta habang dinudurog ng bashers si Alex.

Sa official Facebook ng BANDERA, kanya-kanyang reaksyon ang mga netizens hinggil sa isyu, may nagtanggol sa sisteraka ni Toni Gonzaga at marami ring kumampi kay Nadine. Narito ang ilan sa mga comments ng BANDERA readers.

“Subra lumaki mga ulo hindi naman sila sumikat kng hindi sa ABS CBN. bakit hindi sila masyado mamayaman  hehe.”

“Bahala kayo. Basta Ako…. Gusto ko si Alex at gusto ko rin si Nadine. I’m a fan of Nadine Lustre and Gonzaga’s sisters.”

“Malalaos din yan d nman hbng panahon e sikat lumilipas ang panahon ksabay ng pag edad, bka magbgo din yan kpg nalaos na.”

“Instead c Nadine  nag daan  din  yan  ng  matinding  problema  pero  cool xa  kailanman walang issue  ng kabastusan.”

“Kawawa Naman si Alex..hayaan nyo na..lumipas narin. I Love Nadine and Alex. spread Love.”

“Paano O.A. naman umarte Yan c Alex kahit sa pagpapatawa akala mo cute cia. Kahit Nanay nia Kung ano2x ginagawa niang disrespectful sa Nanay nia para lang may ivlog cia. Dapat lang na ibash cia para malaman nia Yung ginagawang pang bbully nia sa iba at disrespectful. Magkaiba ang ugali nila ni Toni dapat gayahin mo ate Toni mo, Alex.”

“Talaga naman kasing super arte ng alex na yan.kala nya cute sya! Dyan lang magaling magpa cute, d nman kaayaaya..magpaka normal ja nga!”

“Aba jusko po tama na prang mga wlang problema ahh. dami ng nakikisawsaw  hoyy gising tingnan u rin ung kabilang side ni Alex bka pede timbangin nkatulong din nmn si Alex G pero ung mali ang nkikita ninyo.”

“Ahaha at pinatulan tlga dipa nasanay sa kapilyahan ni Alex, pilya Yan pero di nagtatanim Ng Galit kung baga crazy life lang sya, boring s knya ung bapaka serious lagi ,ung iba nga Jan nkapuna pero palamura at kung manglait wagas. doon na ako s pilya na Maldita  kuno pero s loob walang msamang tinapay.”

“Dina said Alex doesn’t even know how to cry. Kaya nga acting eh. You can emote any emotion asked of you.”

“If you can’t act what business do you have in the acting profession.”

“Lahat na lng binibigyan na masamang  kahulugan lahat Ng joke lng n Alex gnagawang totoo nakuuu sobrang inggit talaga palibhasa mga LAOS na kaya papanasin na gnamit c alex para mapagusapan Nga naman.”

Habang sinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang reaksyon sina Alex at Nadine. Bukas ang BANDERA sa kanilang magiging pahayag hinggil sa isyu.

Joey sa isyu nina Alex at Dina: Wala yan! Ako, matindi, pag may nale-late nilalayasan ko yung show at pinapasara ko

Alex bugbog uli sa fans matapos mabuking na nagalit kay Nadine dahil mas nauuna pang umiyak sa kanya sa eksena

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dina Bonnevie awkward nga bang makipag-close kay Pauleen Luna?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending