Pokwang ibinuking na 5 years nang walang sustento si Lee O’Brian sa anak, bwelta sa netizen: ‘Sa ‘yo na yan! Saksak mo sa ngala-ngala mo!’

Pokwang ibinuking na 5 years nang walang sustento si Lee O'Brian sa anak: 'Sa 'yo na yan! Saksak mo sa ngala-ngala mo!'

Lee O’Brian at Pokwang

MATINDI ang pinasabog na “bomba” ng Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang laban sa dating live-in partner na si Lee O’Brian.

Diretsahan nang sinabi ng komedyana na “manggagamit” ang American actor at limang taon na itong walang sustento sa nag-iisa nilang anak na si Malia.

Nagkaroon ng chance si Pokey na ibandera ang mga kapintasan ni Lee nang magkomento ang ilang netizens sa isa nitong post last week kung saan makikita ang litrato ni Malia sa loob ng Mind Museum.

Sabi ng American actor sa caption, “Love this shot of you sweetheart, @malia_obrian !! Doesn’t matter how many mirrors, there’s only one of you!! Te quiero mi amor!! (I love you my love). #Kaleidoscope #MissMalia #DaddysGirl #tisayngmasa.”

Isang IG user ang nag-post dito ng comment at ipinagtanggol si  Pokwang sa mga bashers. Awang-awa raw siya kay Malia dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

“It’s just so sad how you break this lil kiddo in tears (loudly crying face emoji),” aniya.

Reaksyon naman ng basher sa post ng nasabing fan ni Pokwang, “Gaga sino ka to say that anong paki mo vakla ka!”

Sinagot naman siya ng tagapagtanggol ni Pokey, “Haha. Affected much. Are you the home breaker? Dummy account so funny. Trolls.”

Nakarating sa komedyana ang palitan ng komento ng mga followers ni Lee sa IG kaya hindi niya napigilang sagutin ang mga ito. Aniya, may mga girls na nagkokomento sa mga post ni Lee dahil gusto lang magpapapansin sa dati niyang dyowa.


Pasabog na pahayag ni Pokwang, “True akala siguro nila papatulan sila ng kano nayan kahit magpapansin ka araw araw sa post nya stalker ka, manggagamit yang taong yan hahhahahaha.

“Wa ka pera tae ka! anak nga nya walang suporta 5years!!!! inyo nayan sak sak mo sa ngala ngala mo!” pambubuking pa ni Pokwang kay Lee.

Kung susumahin, mula pa noong ipanganak si Malia ay hindi na sinuportahan ni Lee ang anak. Nag-celebrate kasi ang bata ng kanyang 5th birthday last January 18.

At ibig sabihin, taliwas ito sa naging pahayag ni Pokey noong July, 2022 nang maghiwalay sila ni Lee kung saan ipinagtanggol pa niya ang dating dyowa sa mga bashers.

“Una sa lahat, walang third party, wala, in all fairness kay Papang. Di rin pera kagaya ng mga lumalabas na pera, hindi ho, walang ganu’n.

“Siguro naano lang kami, ano ba tawag dun? Napagod. Sana alam ng tao na yung hinuhusgahan niyo na si Lee O’Brian ay mabuting tao naman po. Mabuting ama.

“Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko. Kesyo palamunin ko raw. Masipag po yung tao,” ang pahayag noon ni Pokwang.

Pokwang sa basher ng anak: Dami mong alam! Kahit ‘di magsuklay maganda yan at wala ka nu’n PAKIALAMERA!’

Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Pokwang sinagot ang netizen na umaasang magkakabalikan pa sila ni Lee O’Brian at magpapakasal: ‘Ngek!’

Read more...