Janella Salvador, Jane de Leon game na game sumabak sa GL series: ‘Of course, why not? It’s a challenge for us!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Jane de Leon at Janella Salvador
PAYAG ang dalawang “Darna” stars na sina Jane de Leon at Janella Salvador na gumawa at magsama sa isang proyekto na may temang LGBTQIA+.
Ito’y matapos ngang manawagan ang madlang pipol, lalo na ang mga “Darlentina” at “JaneNella” fans na nagsi-ship nga kina Jane at Janella dahil sa mga pasabog nilang eksena sa “Mars Ravelo’s Darna.”
Bukod kasi sa maaaksyon at madramang tagpo sa nasabing Kapamilya serye na nakatakda nang magtapos ngayong buwan, inaabangan din ng manonood ang mga “kilig” moments ng dalawang aktres.
In fairness kahit magkalaban ang mga karakter nila bilang sina Darna at Valentina ay nakabuo pa sila ng bonggang-bonggang fandom na, kabilang na nga riyan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community na walang sawa ring sumusuporta sa “Darna.”
Kaya sa naganap na finale presscon ng “Darna” kahapon, natanong sina Jane at Janella tungkol sa pagsikat ng kanilang “tambalan” at kung game ba silang gumawa ng GL o girls’ love series o movie bilang follow-up sa kanilang “Darna” team-up.
Sagot ni Jane, “Doon sa mga fans, sobrang ‘yun nga, lagi naming sinasabi na talagang unexpected na sumabog ‘yung Darlentina and JaneNella, especially sa panahon ngayon. Hindi naman natin inaakala na mangyayari.”
“Grabe ‘yung pagmamahal na binigay niyo sa aming dalawa ni Janella,” dugtong ng aktres.
Sey naman ni Janella, “We are so thankful, and like I said kanina, it was unexpected, but it’s such an honor din to have the LGBTQ community supporting you.
“Like, nakaka-warm din siya ng puso na you have them. Nakakatuwa,” chika ni Valentina.
“Of course, why not?” ang mabilis na sagot ni Janella about doing a GL project with Jane.
“Why not? Pero sana maganda talaga ‘yung story. Kasi it’s all about the craft din naman, ‘di ba kasi artist din kami. So challenge din ‘yun sa amin, if ever,” paliwanag ni Jane.
Naniniwala rin si Janella na matutuwa at maa-appreciate ng LGBTQIA+ community kung sakali ngang magsasama sila ni Jane sa isang lesbian series.
“Simply because, wala pa ngang magandang representation for that aspect, kaya open ako and willing ako. Wholeheartedly, I would do it talaga.
“Feeling ko, gusto lang nila ma-represent ng maayos. Hindi ‘yung ma-treat siya na parang it’s something different. They want to belong. So parang I think, we should normalize it,” paliwanag pa niya.
Sabi naman ni Jane, this will be something new both her and Janella at lalo na sa kanilang mga tagasuporta.
“It’s a new thing for us, for me and Jea. Kasi nasanay ang mga tao na ang kasama lagi is guy. Maybe ‘yung sa amin, it’s not just about GL, but it’s about friendship and women empowerment,” pahayag ni Jane.