Angelica naiyak nang hindi nakasama ang anak dahil sa COVID: Torture, mas mahirap pa sa nararamdaman kong sakit
INAMIN ng aktres na si Angelica Panganiban na lubos siyang nahirapan nang tamaan siya ng COVID-19 kamakailan lang.
Matatandaan noong January 12 ay ibinalita nga ng aktres na sumailalim siya sa isolation at nawalay sa kanyang fiancé na si Greg Homan at anak na si Amila Sabine.
Sa bagong YouTube vlog ni Angelica na ibinandera nitong January 29, naging emosyonal at naiyak pa ang aktres habang ikinukwento kung gaano siya nag-aalala sa kanyang mag-ama.
“Tinawagan ko ‘yung doctor ng anak ko asking kung ano ‘yung pwede kong gawin para hindi ko siya mahawaan and si Gregg,” saad ni Angelica.
Aniya, “Sinabihan naman niya ako na magpump na lang muna ako at mag-bottle feed.”
Patuloy pa niya, “Hindi ko maalagaan, hindi ko mahawakan. Parang torture, parang mas mahirap pa ‘to kaysa sa]‘yung nararamdaman kong sakit, pero kailangan magsakripisyo na ilang araw lang naman sana, na hindi ko makakasama ‘yung anak ko at saka si Gregg.”
Ayon pa sa first time celebrity mom, anim na araw siyang nag-isolate para hindi mahawaan ang kanyang pamilya.
Kwento niya, “Sobrang sama na ng pakiramdam ko, parang ang hapdi-hapdi na ng balat ko sa init. Nahihirapan akong kumain, nahihirapan akong umupo.”
“Baka this is also a reminder na nandyan pa rin talaga ‘yung virus, kailangan pa rin nating mag-take ng precautions, kailangan pa rin nating mag-ingat,” panawagan pa niya.
Sinabi rin ni Angelica na nilubos na rin niya ang pagpapahinga habang siya ay nagpapagaling sa sakit.
“Sa ngayon, magpapahinga na muna. Naisip ko nga din, baka i-grab ko na rin itong opportunity na ito para totally makapagpahinga mula nung nanganak ako,” sey ng celebrity mom.
Sa dulo ng video, ipinakita na ng aktres na nagnegatibo na siya sa virus at ready na ulit alagaan ang kanyang baby.
Sey pa niya, “Siyempre kahit negative na ako, gusto ko pa rin mag-mask.
“Siguro hangga’t may nararamdaman akong parang sipon, hindi muna ako magtatanggal ng mask.”
Dagdag niya, “Wala munang paghalik-halik sa baby, ikokontrol ko pa rin ‘yung panggigigil ko.”
Related chika:
Angelica, Glaiza wish na makapag-bonding pa rin nang bonggang-bongga kahit may sarili nang pamilya
Angelica tinamaan ng COVID-19: ‘Nauubusan na ‘ko ng positive thoughts…please send help’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.