GALIT na galit at naglabas pa ng pahayag ang talent manager na si Wilbert Tolentino matapos manalo sa Miss Planet International (MPI) pageant ang pambato ng Pilipinas na si Maria Luisa Valera.
Kung maaalala kasi, ang orihinal na representative ng Pilipinas sa nasabing kompetisyon ay si Binibining Pilipinas first runner-up na si Herlene Budol, habang ang National Director ay si Wilbert.
Pero matatandaan din noong Nobyembre ay umatras sila sa laban dahil nagkaroon daw ng problema sa pageant organization.
At pagdating naman nitong January 20 ay inanunsyo nga ng MPI na may bagong kandidata at national director ang Pilipinas na siya namang ikinabigla ni Wilbert dahil hindi raw siya inabisuhan.
Naglabas pa nga ng pahayag noon si Wilbert at sinabing hindi niya ito palalampasin at kakasuhan pa ang mga ito.
Anyway, may bagong statement ulit na ibinandera ang talent manager at sinabing bayad ang korona na napanalunan ni Maria Luisa.
Sey niya sa isang Facebook post, “FYI lang po guys, bayad po ang Korona na napanalunan ng Miss Planet Philippines at alam na niya final question bago siya lumipad ng Cambodia para sumabak ng MPI.”
Mensahe pa niya, “Ate Girl (Maria Luisa) lumaban ka ng patas kawawa din mga co-candidates mo at nag eeffort din sila para sa Pageant sinalihan nila at mag travel pa sila patungong Cambodia.”
Ramdam na ramdam din sa kanyang post na halos nanggagalaiti na sa galit si Wilbert at sinabihan pa silang mga walang modo at bastos.
“Deserve mo etong post ko. Dahil bukod sa pag bypass nyo sa akin ng Kupal mong National Director si Miki Antonio. Wala parin kayong modo at sobra kayong mabastos at kayo pa galit galitan,” Ani Wilbert.
Sinabihan pa niya ito na, “You must at least mag pasintabi or courtesy call sa akin kung may pangarap ka maging Beauty Queen baka ma-consider ko pa at gawan pa kita ng release paper agad agad.”
“Sana inisip niyo rin yan bago kayo sumabak sa Cambodia kung meron ba kayo matatapakan na tao,” aniya.
Iginiit din ni Wilbert na siya pa rin ang National Director ng Miss Planet Philippines dahil hawak pa rin niya ang exclusive franchise nito.
“Kahit balik baliktarin natin ang dokumento ako pa rin ang NATIONAL DIRECTOR ng MISS PLANET PHILIPPINES. Klaro po tayo?,” saad niya sa FB post.
Dagdag pa niya, “As National Director for Ms Planet in the Philippines, I would like to clarify that no replacement has been made. The Philippines will not send any representative to Ms. Planet competition this year.”
As of this writing ay wala pang pahayag sina Maria Luisa at Miki patungkol dito.
At bukas naman ang BANDERA para sa kanilang dalawa sakaling nais nilang linawin ang kumakalat na isyu.
Related chika: