Jessy ibinandera na ang itsura ng anak nila ni Luis, netizens napa-wow: ‘Parang anak ng foreigner!’

Jessy ibinandera na ang itsura ng anak nila ni Luis, netizens napa-wow: ‘Parang anak ng foreigner!’

SA kauna-unahang pagkakataon, ibinandera na ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano ang itsura ng kanilang anak!

O ayan, titigilan na siguro sila ng mga atat na bashers na laging nangungulit sa “face reveal” ni Baby Peanut.

Sa Facebook, isinapubliko na nga ni Jessy ang cute na cute na pictures ng kanilang baby at ibinahagi pa ang tunay na pangalan nito.

Caption ng actress-model, “Hello world, meet Isabella Rose Tawile Manzano (rose emoji).”

“Happy 1st month, our little Rosie!,” aniya.

Maraming netizens naman ang napa-wow at karamihan sa kanila ay lubos na pinuri ang kagandahan ni Baby Rosie.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Surprised hehe masyado kasi kayong atat ayan na! Napakagandang baby girl parang anak ng foreigner.”

“Wow, such a beautiful and adorable little angel. Napaka rosy ng skin like her mom. Happy 1st month Baby Isabella!”

“Hi Baby Rosie you’re so gorgeous like your mom and dad … Happy 1st month Baby GOD BLESS”

Kamakailan lang ay nanawagan si Jessy sa mga nangungulit na netizens na bigyan na muna sila ng sapat na oras upang makapag-bonding sa kanilang anak.

Matapos kasing ipost ng aktres ang bahagi ng mukha ni Baby Rosie ay tinadtad na ito ng mga komento na kinukwestyon ang couple kung bakit ayaw pa nila ipakita ang mukha nito.

May pagkakataon pa nga na halos nakipag-away na umano si Luis sa isang nag-comment dahil sinabihang “pisot” ang kanilang anak.

Sa Bisaya, ang ibig sabihin ng “pisot” ay hindi tuli pero ginagamit din ito para insultuhin ang itsura ng isang tao.

Noong December 28 lang ipinanganak ni Jessy ang panganay nila ni Luis, ngunit nitong January 7 lang nila ito ibinandera sa publiko.

Related chika:

Jessy Mendiola sa mga ‘atat’ sa face reveal ni Baby Peanut: Let us enjoy our own little world with our baby muna

Read more...