P-Pop girl group ‘KAIA’ magpapaindak sa bagong dance-pop single na ‘Turn Up’

P-Pop girl group ‘KAIA’ magpapaindak sa bagong dance-pop single na ‘Turn Up’

PHOTO: Courtesy Sony Music Entertainment

MATAPOS ang matagumpay na release ng kantang “Dalawa” ilang buwan na ang nakalilipas, isa pang bagong single ang inilabas ng Pinoy pop girl group na KAIA.

Ito ang “Turn Up” under Sony Music Entertainment.

Ang kanta ay may kasama pang performance version na mula sa direksyon nina Denny Lee at Jake Jung.

Proud ding sinabi ng grupong KAIA na sila ang nakaisip ng mala-party mode na konsepto ng music video upang lalo pang mag-enjoy ang mga makikinig nito.

“Because it’s upbeat and danceable, we thought a party concept will best for it, so people could have fun whenever they hear Turn Up,” saad nila sa isang pahayag.

“We want our listeners to feel good as they vibe with the song,” anila.

Patuloy pa ng grupo, “This song somehow encourages listeners to break away from the mold, live in the moment, and let their body groove into the music.

“Sometimes all you need is to disconnect from the outside world and be yourself.”

Ang “Turn Up” ay isinulat mismo ng KAIA at pinangunahan naman ng tanyag na K-Pop producer na si Lee Oh Won.

Para sa kaalaman ng marami, si Oh Won ay may collaboration na sa ilang international artists.

Kabilang na riyan ang Korean boy band na Stray Kids, Taemin ng grupong SHINee, Korean male pop duo na TVXQ, P-Pop boy group SB19, at marami pang iba.

Ang bagong single ay tampok sa kauna-unahang album ng KAIA na nakatakdang ilabas ngayong taon.

Noong April 2022 nang opisyal na ipinakilala ang nasabing girl group.

Mayroon itong limang miyembro na sina Charice, Angela, Alexa, Sophia, at Charlotte.

Related chika:

#Rebelasyon: Piolo, Aga parehong naging ‘jowa’ ni Pops

Read more...