PANSAMANTALANG inihinto na muna ang “search and rescue operations” sa nawawalang Cessna plane dahil sa masamang panahon, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
January 24 pa nawawala ang 6-seater na eroplano na sa mga panahon na iyon ay inaasahang lalapag sana sa Maconacon Airport, ang domestic airport sa Isabela.
Ngunit hindi na ito nakarating at hindi na rin ma-contact ang mga piloto sa pamamagitan ng tinatawag na “air traffic controller.”
“CAAP reported that the ongoing SAR operations for the missing aircraft utilizing 2 [Philippine Air Force Huey helicopters] has been halted due to bad weather in the area this morning, aerial surveillance continues as soon as weather permits,” saad ng mga awtoridad sa inilabas na pahayag.
Nakikipagtulungan na rin ang Hong Kong Mission Control Center (HKMCC) at Japan Mission Control Center (JAMCC) at hanggang ngayon ay wala pa rin silang nakukuhang “distressed signal” mula sa nawawalang eroplano.
Hindi rin nila ma-locate ang “emergency locator transmitter” nito.
Ayon pa sa CAAP, nagpadala na rin sila ng mga imbestigador para dito.
“two investigators from CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board personnel are already at Cauayan airport for immediate deployment,” ayon sa ahensya.
Read more:
Vice umarkila ng private plane, bumili ng branded swimsuit para sa beach party, pero ‘nganga’