MAS mahigpit na seguridad ang ipapatupad sa mga public schools sa Quezon City.
‘Yan ay matapos ang pananaksak sa Culiat High School noong January 20 na kung saan ay namatay ang isang estudyante.
Ayon kay Quezon City mayor Joy Belmonte nakipagpulong at nakikipagtulungan na sila sa ilang ahensya at stakeholders ng siyudad.
Kabilang na riyan ang Quezon City Police District (QCPD), Social Services and Development Department, Schools Division Office at marami pang iba.
“While we consider this an isolated case, the incident underscored the need to come up with additional security interventions in our public learning institutions,” sey ng mayor sa isang pahayag.
Ayon pa kay Belmonte, ilan sa mga pag-iingat na gagawin ay ang dagdag na mga CCTV sa mga eskwelahan at random security checks.
Bukod diyan ay magkakaroon na rin ng tinatawag na “values formation programs” at dadagdagan ang mga guidance counselor.
Ayon pa sa QCPD, laganap din ang rape at pagnanakaw sa mga bata na karamihan ay nasa edad 15 hanggang 17 lamang.
Sinabi naman ng Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) na magkakaroon ng debriefing sessions ang mga guro at estudyante na naging witness ng masalimuot na pangyayari sa Culiat.
“DepEd-NCR enjoins school administrators, teachers, non-teaching personnel, parents, students, and all stakeholders to work together in raising and educating children to become peace-loving and responsible members of the community,” saad ng ahensya.
Read more:
Seguridad sa Pilipinas pinaigting sa gitna ng banta ng terror attack