Janine Gutierrez ‘forever fan’ ni Dolly de Leon: So happy to work with you

Janine Gutierrez 'forever fan' ni Dolly de Leon: So happy to work with you

MASAYANG-MASAYA ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez na makatrabaho ang award-winning actress na si Dolly de Leon.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera niya ang larawan nilang magkasama na kuha sa taping ng kanilang teleserye.

“Mami ko!!!!!!! Igaganti kita [three angry emojis] So happy to work with you Miss @dollyedeleon!!!!” saad ni Janine sa kanyang caption.

Dagdag pa niya, “I’m a fan 4ever and I will always treasure this little talk. Thank you thank youuuu.”

Aliw naman ang naging reply ni Dolly sa post ni Janine.

Sey ni Dolly, “I support you, anak. Obosen ang mga Fiero na yan!”

Pagpapatuloy niya, “Always have been and always will be a huge fan of yours. [heart emoji] Mutual admiration club ito.”

Sumagot namang muli ang anak ni Lotlot at sinabing “Screaming crying. means everything to me!!! thank you miss dolly! And, YES CAPTAIN!!!!!”

Sina Janine at Dolly ay magkasama sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang “Dirty Linen”.

Si Dolly ay gumanap bilang si Olivia, ang isa sa mga kasambahay na pinatay ng mga Fiero na siyang ina ni Alexa (karakter ni Gutierrez).

Marami naman sa mga netizens ang talagang pinuri ang dalawa sa comment section.

“Hi Janine and Ms. Dolly. Super enjoy po sa Dirty Linen. Grabe busog na busog sa eksena. More power!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “It’s the mata mata acting for me!”

“Galing mo Ms. Janine! Nahook ako sa character mo. Kudos to the whole cast! Walang tapon!” hirit naman ng isa.

Kamakailan ay nasungkit ni Dolly ang best actress in a supporting role award sa nagdaang Guldbagge Awards na ginanap sa Stockholm, Sweden para sa kanyang naging pagganap bilang Abigail sa pelikulang “Triangle of Sadness”.

Related Chika:
Dolly de Leon sa nakuhang nominasyon sa 80th Golden Globe Awards: Hindi ako sanay sa ganito, ang sarap!

Janine Gutierrez nagtatalon na parang bata nang abutan ng pera ni Annabelle Rama noong Pasko

Dolly de Leon wagi pa rin kahit tinalo ni Angela Bassett sa 80th Golden Globe Awards; pakikipaglaban sa Oscars abangers na

Janine Gutierrez umalma sa netizen na nagsasabing ginagamit niya ang GMA for publicity: No disrespect!

Read more...