UMANI ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang kanseladong “Love Scene”, ang North America tour ng singer-actor na si James Reid.
Sa kanyang Instagram story kamakailan ay inanunsyo ng singer-actor na pansamantala munang hindi matutuloy ang kanyang concert na dapat ay mangyayari mula January 29 hanggang February 26.
Saad ni James, “I want to thank you for the overwhelming response to the tour, to all my fans and supporters, thank you from the bottom of my heart. The past year has been an absolute ride, and with your support, I’ve been able to grow and experience unbelievable things beyond my wildest dreams.
“At the same time, it’s been an exhausting grind that has really taken a toll on my health; physically, emotionally, and mentally.”
Ani James, ang top priority niya ay ang maging proud ang kanyang mga fans at na-realize niya na hindi niya kayang maibigay ang “performance and experience” na deserve ng kanyang tagasuporta.
“It wouldn’t be fair to you and fair to the people who have supported me in creating this album,” dagdag pa ng aktor.
Ipinangako naman niya na itutuloy niya ang kanyang concert sa North America pero hindi pa sa ngayon.
“To my fans in North America, I’ll be preparing to come back even stronger – with more music and an even bigger, better show for you, sooner than you think. I’ll make sure it’ll be worth the wait. Brb. Love you all. James,” sey pa niya.
Ngunit sa kabila ng kanyang eksplanasyon ay marami sa mga netizens ang hindi naniniwala sa naging rason ng binata.
Sa entertainment site nga na Fashion Pulis ay makikita ang mga komento ng madla sa diumano’y tunay na rason bakit hindi nag-push through ang concert tour ni James.
“Tour outside of the Phils? Why? Has he established an international career? Does he have hit songs that are known worldwide?” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Either flop/hindi kumita o kikita OR mismanagement. what is happening to you james? gusto niya siya lang gumagawa? ayaw magpatulong? geez men.”
“Masyadong matayog to the point na padalos-dalos na. Dapat pag-isipang mabuti lahat. He definitely bit more than he can chew,” hirit naman ng isa.
Sa katunayan, isa rin ang concert tour ni James sa mga naging topic ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog kasama sina Mama Loi at Tita Jegs.
“Naku, ‘yun nga ‘yung tinuturo nilang dahilan na flop daw ang ticket sales. ‘Yun din ‘yung nakarating sa’kin eh,” sey ni Ogie.
Natalakay pa nga nila ang nagdaang concert ng binata sa Cebu kung saan nagkaroon rin ng ilang aberya.
Bukod pa rito ay hindi rin daw masyadong kumita ang “Wavy Baby Festival” at binuksan na lang ang gate sa publiko para sa mga manonood.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng kampo ni James Reid patungkol sa mga kumakalat na espekulasyon sa social media hinggil sa kanyang naunsying concert tour.
Related Chika:
‘Pagpisil’ ni James Reid sa nipple ng kaibigang CEO pinagpiyestahan sa socmed: Ano ba talaga koya?
James Reid nilaglag daw ng tatay, basag sa bashers: Nagpapa-Hollywood effect nga, eh!
Cong TV kinuha si James Reid bilang ninong ni Baby Kidlat