Camille Prats balik-teleserye after 5 years, netizens abangers na: ‘It’s time to rise again!’

Camille Prats balik-teleserye after 5 years, netizens abangers na: ‘It’s time to rise again!’

PHOTO: Instagram/@camilleprats

INAABANGAN na ng maraming fans ang pagbabalik-telebisyon ng dating child star na si Camille Prats!

Matapos kasi ang limang taon ay muling bibida sa isang teleserye si Camille.

Tampok siya sa bagong afternoon prime series ng GMA na may titulong “Arabella.”

Sa isang Instagram post ay ibinandera ng aktres ang ilang behind-the-scenes ng teleserye.

Sabi pa niya, excited na rin siyang mapanood ito sa Pebrero.

“After a 5 year acting hiatus, ako po ay nagbabalik sa inyong mga telebisyon,” caption niya.

Aniya, “So excited to share with you @gmanetwork ‘s newest Afternoon Prime offering, #Arabella coming to you this February!”

May ilang kapwa-artista naman ang napa-comment sa exciting news ni Camille.

“Maaaaars!!!! This is your world!!! (red heart emoji) so proud of you!!!,” sey ng TV host na si Iya Villania.

Comment naman ng actor-politician na si Alfred Vargas, “An honor and a pleasure working with you, Mars (blue heart emoji).”

Maraming netizens din ang nag-aabang sa pagbabalik ni Camille at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Ayan na siyaaaaaa!!! (red heart emojis)”

“congrats cams! Nakaka-excite (heart eyes emoji)”

“This is what we’re looking for (red heart emoji)”

Matatandaang noong 2018 pa huling bumida si Camille sa teleserye na pinamagatang “Ang Forever Ko’y Ikaw” na tungkol sa parehong single parents na nagkatuluyan.

Nakatambal niya riyan ang aktor na si Neil Ryan Sese.

Related chika:

Camille Prats, VJ Yambao 10 years nang kasal, may mensahe sa isa’t-isa: ‘I love doing life with you’

Read more...