Camille Prats, VJ Yambao 10 years nang kasal, may mensahe sa isa’t-isa: ‘I love doing life with you’ Bandera

Camille Prats, VJ Yambao 10 years nang kasal, may mensahe sa isa’t-isa: ‘I love doing life with you’

Pauline del Rosario |December 02,2022
share this

Camille Prats, VJ Yambao 10 years nang kasal, may mensahe sa isa’t-isa: ‘I love doing life with you’

Pauline del Rosario - December 02, 2022 - 11:15 AM
Camille Prats, VJ Yambao 10 years nang kasal, may mensahe sa isa’t-isa: ‘I love doing life with you’

PHOTO: Instagram/@camilleprats

MASAYANG ipinagdiriwang ng mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao ang kanilang ika-10th wedding anniversary.

Sa pamamagitan ng social media ay nagpalitan ng sweet messages ang dalawa.

Ibinandera ni Camille sa Instagram ang isang compilation video ng kanilang special moments, kalakip ang isang mahabang post.

Lubos na pinasalamatan ng aktres ang kanyang mister na nandyan raw palagi para sa kanya.

Sey sa post ni Camille, “Sampung taon pero parang sampung buwan pa lamang.

“Walang hanggang pasasalamat sa Diyos dahil binigay ka Niya sa akin. Sa mga panahon na walang kasiguraduhan ang bukas, pinakita at pinaramdam mo na sigurado ka sa akin. Hindi pinakinggan ang sinasabi ng iba, basta’t sa maliit na mundo natin tayo ay masaya.”

Patuloy pa ng aktres sa kanyang caption, “Sampung taon na ang lumipas, parang kahapon lang. Kasama kang mangangarap sa bukas na Diyos lang ang nakakaalam.

“Hawak kamay nating sisikapin at panghahawakan ang mga pangako ng nasa Itaas, walang hindi kakayanin basta’t patungo sa Kanya ang tatahaking landas.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats)

Sinabi pa ni Camille na si VJ ang naging instrumento upang maipakita ang pagmamahal sa kanya ng Diyos.

“Obviously, I looove doing life with you. (red heart emoji) You are more than what I could ever ask for. God shows His amazing love for me through you, how blessed I am that I get to witness it every single day,” aniya.

Kahit si VJ may sweet message din para kay Camille.

Ipinost pa niya ang isang litrato na nasa isang beach habang suot ni Camille ang kanyang wedding dress.

Inilarawan pa ni VJ si Camille bilang pinaka importanteng tao sa kanyang buhay.

Caption niya, “To the most important person in my life next to Christ, genuinely happy to celebrate 10 years with you, my sweetheart (red heart emoji).”

Nakwento pa ng mister ni Camille na marami na silang napagdaanang pagsubok at ito raw ang naging dahilan kaya lalong tumibay ang kanilang relasyon.

Sey ni VJ, “I am still in awe that 10 years went by so fast, we have gone through so many highs and lows together and looking back at those times when we were being tested and challenged, we didn’t understand then why we had to go through it all only to realize now I that those things are what makes our marriage stronger and sweeter.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Yambao (@vjyambao1)

Pinasalamatan niya rin si Camille sa tiwala at respeto na ibinibigay sa kanya bilang asawa.

“As my wife, you have the biggest impact & influence in me. I appreciate it when you trust me and respect me when I make decisions for our family even If you do not understand sometimes, thank you for submitting yourself to me,” caption niya.

Dagdag pa ni VJ, “I am grateful for you, thank you for always loving me unconditionally all these years. I am blessed to be treading this life with you and most of all, Big big thanks to the Man above for always being in the center of our marriage.”

Taong 2017 nang ikinasal sina Camille at VJ.

Mayroon silang dalawang anak na sina Nolan at Nala.

Si VJ ang ikalawang asawa ni Camille matapos pumanaw ang unang asawa na si Anthony Linsangan dahil sa cancer.

Related chika:

Camille Prats inaalala ang yumaong asawa: He was able to have a family…I think that’s my purpose in his life

VJ Yambao aminadong childhood crush si Camille Prats: I choose to love you everyday

Camille Prats may babala sa netizens ukol sa ‘ineendorsong’ produkto: This is a scam

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending