Dani Barretto pinagsisihan ang pag-post ng viral cake video ni Alex Gonzaga: Wala akong intensyong makasakit

Dani Barretto pinagsisihan ang pag-post ng viral cake video ni Alex Gonzaga: Wala akong intensyong makasakit

SA kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na ang vlogger na si Dani Barretto matapos mag-trending ang ibinanderang cake video kamakailan lang.

Kung maaalala, si Dani ang unang nag-post ng video ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga na kung saan ay makikitang pinahiran nito ng icing sa mukha ang isa sa mga waiters na nagse-serve sa kanyang birthday celebration.

Sa isang panayam with ABS-CBN News, pinagsisisihan ni Dani ang nangyari.

Sey niya, “Of course I do have regrets kasi nakasakit ako ng tao.”

“Siyempre, wala sa intensyon kong makasakit lalo na on her birthday,” aniya.

Paliwanag ni Dani na hindi niya ginusto ang nangyari at hindi niya inaakala na may masamang dulot ang kanyang ipinost, lalo na’t malapit sa kanyang pamilya ang pamilyang Gonzaga.

“Siguro, iyon ‘yung pinaka mabigat para sa akin, na nakasimula ako ng isang bagay na hindi ko naman ginusto,” saad ng vlogger.

Patuloy pa niya, “Kasi very important sa pamilya namin ‘yung mga Gonzaga. They’re very loving to our family.

“Alex is a very good friend of my sister. So, talagang mahal na mahal ng pamilya namin ang mga Gonzaga, and vice versa,” paliwanag niya.

Sinabi rin ni Dani na nagkausap na sila ni Alex at humingi na siya ng tawad sa personal.

“Alam naman iyon ni Alex, kasi sa kaniya talaga ako unang nag-reach out,” ani Dani.

Aniya, “Wala akong ibang kinausap, wala akong ibang ginawa. I reached out to her first and apologized to her first.”

Dagdag niya, “Kaya hindi ako nagsasalita, kasi ayoko na talaga siyang palakihin. Move on na rin tayo sa isyu na ‘to.”

Kinumpirma rin ni Dani na pinatawad na siya ni Alex at okay na raw sila.

“Okay kami ni Alex. Wala kaming ill feelings towards each other,” lahad ni Dani.

Related chika:

Kris Lawrence walang pagsisisi sa pagtatanggol kay Alex Gonzaga, first time makaranas ng matinding pambabastos sa socmed

Read more...