Ai Ai delas Alas laging ipinagdarasal na sana’y huwag magkaroon ng Alzheimer’s disease

Ai Ai delas Alas laging ipinagdarasal na sana'y huwag magkaroon ng Alzheimer’s disease

Ara Mina, Ai Ai delas Alas, Louie Ignacio at Quinn Carrillo

SA kauna-unahang pagkakataon ay gaganap ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa isang pelikula bilang lola na may Alzheimer’s disease.

Si Ai Ai ang napiling bumida sa latest offering ng 3:16 Media Network, na pag-aari ng producer na si Len Carrillo, na “Litrato” mula sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Louie Ignacio.

Makakasama ng Kapuso star sa nasabing pelikula sina Ara Mina, Quinn Carrillo at Bodjie Pascua.  Magsisimula na ang shooting ng “Litrato” sa January 27 kaya naman agad na umuwi ng Pilipinas si Ai Ai mula sa Amerika.

Humarap ang cast members ng “Litrato” sa entertainment media last Tuesday sa ginanap na story conference at dito nga matapang na sinabi ni Direk Louie na hindi niya gagawin ang pelikula kung hindi si Ai Ai ang bida.

Ayon sa direktor, naniniwala siya na si Ai Ai lang ang perfect sa role bukod pa nga sa masuwerte raw talaga kapag sila ang magkatrabaho dahil nga nanalo ng best actress awards ang Comedy Queen sa iba’t ibang international award-giving body nang gawin nila ang mga pelikulang “Area” at “School Service.”


Sabi naman ni Ai Ai, gagawin niya ang lahat para hindi mapahiya si Direk Louie sa 3:16 Media Network at kakaririn niya ang paghahanda para sa role niya sa “Litrato.”

Sey pa ng komedyana na pinatunayang kering-keri ring magdrama at magpaiyak ng manonood, marami siyang paghuhugutan ng emosyon sa bago niyang role.

Dahil nga sa tunay na buhay ay may naging experience na siya sa taong may Alzheimer’s disease at yan ay ang kanyang biological mother na si Gloria na pumanaw noong December, 2013.

“May Alzheimer’s disease ang biological mother ko na si Gloria. Pero hindi ako lumaki sa kanya dahil adopted ako ng auntie ko so hindi siya masyadong sweet sa akin kapag hindi niya ako nakikilala.

“Four years bago siya mamatay, sa akin siya tumira. Noong nakikilala pa niya ako dahil wala pa siyang Alzheimer’s, ayaw niyang tumira sa akin kasi parang feeling niya, nahihiya siya dahil ipinamigay niya ako.

“Pero nakukyutan ako sa kanya kapag tinatanong ko siya kung sino ako. Minsan, kumare niya ako. Minsan, tiyahin niya ako. Kung anu-ano.

“In person, kung sinu-sino ang sinasabi niya pero meron akong standee na naka-pink ako na parating nasa kuwarto niya. Yun ang kilala niya.

“Kapag tinanong siya, ‘Sino ito, ‘Nay?’ ang sagot niya, ‘Anak ko, si Ai Ai. Anak ko yan! Yun (standee) ang inaabutan niya ng tinapay, pinagagalitan niya.

“Pero in person, hindi niya ako kilala. Ang cute, di ba, pero malungkot,” pagbabahagi ni Ai Ai.

Samantala, hiling niya raw lagi sa Diyos na sana’y huwag naman siyang magkaroon ng Alzheimer dahil alam nga niya kung gaano kahirap ang kundisyon na ito base sa mga nasaksihan niya sa tunay na ina.

Aniya, palagi niyang ipinagdarasal na hindi dumating ang araw na hindi na niya nakikilala ang mga anak dahil sa nasabing sakit.

Pagkawasak ng friendship nina Kris at Ai Ai dahil nga ba kay James Yap?

Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!

Kahit hindi na magkaibigan…Ai Ai hiling pa rin ang paggaling ni Kris: God bless her

Read more...