Alden muntik nang maging girlfriend si Julie Anne: ‘I’m very sorry iniwan kita, sana napatawad mo na ‘ko’

Alden muntik nang maging girlfriend si Julie Anne: 'I'm very sorry iniwan kita, sana napatawad mo na 'ko'

Julie Anne San Jose at Alden Richards

DIRETSAHANG inamin ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na “niligawan” at “iniwan” niya si Julie Anne San Jose.

Ayon kay Alden, muntik na niyang maging girlfriend noon ang Asia’s Limitless Star pero napurnada nga ito dahil bigla siyang nagdesisyon na mag-focus muna sa kanyang showbiz career.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, January 25, natanong si Alden kung sino sa mga celebrities na na-link sa kanya ang muntik na niyang maging dyowa.

Nag-isip muna ang binata at saka sinabing, “Si Winwyn (Marquez) po at si Julie (Anne San Jose).”

Sundot na tanong sa Pambansang Bae, bakit hindi natuloy ang kanilang relasyon ni Julie Anne, “It was my fault po Tito Boy. I decided to focus na lang talaga sa work.”


Kung hindi kami nagkakamali, 2013 nang unang ma-link sina Alden at Julie dahil nga sa kakaibang closeness at sweetness nila kapag nasa sa set ng dating Kapuso Sunday show na “Party Pilipinas.”

At kahit noong sumikat ang AlDub loveteam nina Alden at Maine Mendoza, ay natsitsismis pa rin sila kapag nagkakasama sa “Sunday Pinasaya” na pumalit sa “Party Pilipinas.”

Pahayag ni Alden, sa isang rehearsal ng “Sunday Pinasaya” ay naglakas-loob siyang kausapin si Julie Anne para mag-sorry, “Naiwan ko po siya.”

Ang sabi pa raw ni Alden sa Kapuso actress nang magkausap sila, “I’m really sorry for what happened. Iniwan kita. There’s no one to blame but me. And I’m very sorry. Sana napatawad mo na ako.”

Pitong taon daw silang hindi nag-usap ni Julie Anne hanggang sa pareho na silang naka-movie on at ngayon daw ay okay na sila at magkaibigan pa rin.

“Naniniwala po kasi ako that time really heals everything. Mahirap po kasi ipilit kahit gusto mong magka-ayos kayo pero ‘yung panahon hindi pa tama kasi sariwa pa ang sugat.

“And hindi po natin madi-dikta sa puso natin kung kailan gagaling ‘yun,” sey pa ni Alden.

Napapanood ang “Fast Talk with Boy Abunda”, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

John Lloyd hindi iniwan si Maja noong naging kontrobersyal ang love life

Cristy Fermin kinontra si Barbie: Dapat tanggapin niyang siya ang iniwan

Character actor nilayasan ang asawa’t mga anak, sumama sa bagong karelasyon

Read more...