Unang pagkokorona sa ilalim ng dagat isinagawa ng Aqua Queen of the Universe pageant Bandera

Unang pagkokorona sa ilalim ng dagat isinagawa ng Aqua Queen of the Universe pageant

Armin P. Adina |January 25,2023
share this

Unang pagkokorona sa ilalim ng dagat isinagawa ng Aqua Queen of the Universe pageant

Armin P. Adina - January 25, 2023 - 05:51 PM
Unang pagkokorona sa ilalim ng dagat isinagawa ng Aqua Queen of the Universe pageant

Kasama ni Aqua Queen Ambassador of the Ocean Marjorie Renner (kaliwa) ang mga bagong-hirang na reynang sina (mula kanan) Aqua Queen of the Universe Debora Celedio Mariotti, Aqua Queen of the Ocean Almie Rita Carajay, at Aqua Queen Pearl Al Christian Adap./AQUA QUEEN OF THE UNIVERSE FACEBOOK PHOTO

UPANG mapalutang ang pangangailangang mapangalagaaan ang yamang-dagat ng bansa. Isinagawa ng Aqua Queen of the Universe pageant ang kauna-unahang pagkokorona ng mga reyna sa ilalim ng dagat sa bansa noong Enero 20 sa Panglao, Bohol.

Tinipon ng pageant ang mga mahihilig sa freediving mula sa iba’t ibang panig ng bansa, at dinala ang top three sa patok na beach destination sa Visayas para sa opisyal na paggawad ng mga titulo. May kani-kaniyang mga korona ang tatlong finalists.

Tinanggap ni Debora Celedio Mariotti mula Bohol ang titulo bilang Aqua Queen of the Universe mula sa founder ng pageant at 2022 queen na si Eren Noche, habang hinirang naman si Almie Rita Carajay mula Iloilo bilang Aqua Queen of the Ocean. Itinanghal naman si Al Christian Adap mula Laguna bilang Aqua Queen Pearl.

Nauna nang iginawad kay reigning Noble Queen of the Universe Ltd. Marjorie Renner ang titulo bilang Aqua Queen Ambassador of the Ocean. Siya ang may-ari ng Whitehouse by the Sea na tumanggap sa mga opisyal at kalahok ng pageant sa Panglao. Sinundan niya ang aktres na si Patricia Javier na una nang hinirang ni Noche bilang kapwa reyna para sa 2022 at taglay ang titulong “Ambassador of the Ocean.”

Unang pagkokorona sa ilalim ng dagat isinagawa ng Aqua Queen of the Universe pageant

Kasama ni Aqua Queen of the Universe Debora Celedio Mariotti (gitna) sina Aqua Queen of the Ocean Almie Rita Carajay (kaliwa) at Aqua Queen Pearl Al Christian Adap/DEBORA CELEDIO MARIOTTI FACEBOOK PHOTO

Si Javier din ang unang Noble Queen of the Universe titleholder. Siya ang kasalukuyang international director at national director para sa Pilipinas ng Noble Queen of the Universe Ltd. Inc. na itinatag din ni Noche.

Makikita sa mga opisyal na Facebook page ng Aqua Queen of the Universe ang mga bidyo ng isinagawang pagkokorona sa ilalim ng dagat.

“[A] title comes with responsibilities. But first, I want to express how fortunate I am to have been part of this competition, and truly humbled to be chosen as Aqua Queen of the Universe,” sinabi ni Mariotti sa isang Facebook post.

“I wholeheartedly want to make a voice and make a difference in [the] freediving community, and that will continue from this day moving forward,” pagpapatuloy pa niya.

Nauna nang sinabi ni Noche na naghahanap ang Aqua Queen of the Universe pageant ng “ocean advocates” na tutulong na maisulong ang pangangalaga sa mga daagt at karagatan sa mundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending