Bongbong Marcos nagpaabot ng pagbati kay Toni Gonzaga: You are a blessing to me and to us all | Bandera

Bongbong Marcos nagpaabot ng pagbati kay Toni Gonzaga: You are a blessing to me and to us all

Therese Arceo |January 21,2023
facebook
share this

Bongbong Marcos nagpaabot ng pagbati kay Toni Gonzaga: You are a blessing to me and to us all

Therese Arceo - January 21, 2023 - 02:34 PM

Bongbong Marcos nagpaabot ng pagbati kay Toni Gonzaga: You are a blessing to me and to us all
MAGING ang presidente ng Pilipinas na si Bongbong Marcos ay nagpaabot ng birthday message para sa kanyang inaanak na si Toni Gonzaga.

Kahit na wala ito sa bansa at kasalukuyang nasa Davos, Switzerland upang dumalo sa World Economic forum ay hindi ito nakalimot at bagkus isa pa sa mga naging highlights ng concert ni Toni kagabi, January 20, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Noon pa man ay marami nang nag-aabang kung pupunta nga ba si Pangulong Bongbong sa concert ni Toni ngunit sumabay ito sa forum na pupuntahan kaya naman nagpadala na lang ito ng video message.

Ang naturang video message ay ibinahagi ni Toni sa kanyang concert na naging dahilan para maghiyawan ang mga taong nasa loob ng concert venue.

“Happy birthdays to such an always inspiring lady, our very talented ultimate multimedia superstar, great mother and wife, my inaanak, Toni Gonzaga-Soriano,” saad ni Pangulong Bongbong.

Dagdag pa niya, “Balita ko, ipinagdiriwang mo ang iyong 20th year sa showbiz industry kaya naman nais kong ipaabot, hindi lamang ang aking pagbabati kung hindi ang aking taos pusong pasasalamat.”

Pinuri rin niya ang pagiging matatag nito at sinabing isa ito sa kanyang mga naging sandigan sa nagdaang eleksyon.

“You are one of the strongest, most God-fearing women I know… hindi ka nagpapatinag sa kabila ng mga batikos. Ang suporta mo ang isa sa mga naging matibay na sandigan ko sa aking paglakbay sa pagkapangulo,” lahad pa ni Pangulong Bongbong.

Nagpaabot rin ito ng pasasalamat sa lahat ng bagay na naitulong nito sa kanya lalo na noong panahong ikinakampanya niya ito.

Sey ni Bongbong, “On your birthday, I would like to thank you for all that you have done to help me. Thank you for everything that you do. You are a blessing to me and to us all.

“May you continue to inspire people with your talent, your grace, your strength in many, many more years to come. I’m always here for you. Happy, happy birthday, Toni.”

Ibinahagi rin ng asawa ni Toni na si Paul Soriano ang naturang video sa Twitter at sinabing “Thank you Mr President @bongbongmarcos for your wonderful birthday message for my wife…”

Matatandaang isa si Toni sa mga nagbigay ng labis na pagsuporta kay Bongbong Marcos noong eleksyon kung saan tumakbo at nanalo siya bilang presidente ng bansa.

Related Chika:
Toni Gonzaga, Paul Soriano present sa proklamasyon ni Bongbong Marcos

Toni Gonzaga nagbunyi sa pagkapanalo ni Bongbong Marcos: Congrats Ninong!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni, Paul buong-tapang na tinawag si Bongbong Marcos ng ‘My President’

Sigaw ni Toni: Konting-konting panahon na lang, babalik na si BBM sa kanyang tahanan — ang Malacañang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending