Toni, Paul buong-tapang na tinawag si Bongbong Marcos ng 'My President' | Bandera

Toni, Paul buong-tapang na tinawag si Bongbong Marcos ng ‘My President’

Ervin Santiago - February 10, 2022 - 08:56 PM

Toni Gonzaga, Paul Soriano at Bongbong Marcos

SA gitna ng natatanggap na pambabatikos mula sa mga haters, lantaran nang ibinandera ni Toni Gonzaga at ng asawang si Paul Soriano ang kanilang pagsuporta kay presidential candidate Bongbong Marcos.

Mukhang hindi na nga apektado ang celebrity couple sa pangnenega ng mga taong kontra kay Bongbong at tila naihanda na rin nila ang mga sarili sa ganitong senaryo sa pagsisimula ng campaign period.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagpasalamat si Bongbong kay Toni sa paghu-host ng naganap na proclamation rally ng UniTeam sa Philippine Arena sa Bulacan nitong Martes, Feb. 8.

Dito nga nagsama-sama ang tandem nina Marcos at Mayor Sara Duterte na tumatakbo sa pagkapresidente at bise-presidente ng bansa sa darating na eleksyon.

Ipinost ni Bongbong ngayong araw ang litrato nila ni Toni habang nasa stage at may caption na, “Taos pusong pasasalamat kay Toni Gonzaga-Soriano sa pagiging host ng Uniteam Proclamation Rally.

“Isang makasaysayang gabi na hindi namin malilimutan ni Mayor Inday Sara kapiling ang aming mga tagasuporta, pamilya, kaibigan at mga nanindigan para sa ating samahan ng pagkakaisa – gaya mo Toni.

“Maraming salamat muli sa lahat!” sabi ng dating senador.

Kasunod nito, ipinost naman ni Toni ang screenshot ng pagpapasalamat ng dating senador at ibinahagi sa kanyang Instagram Stories. Dito, buong-ningning na nga niyang tinawag si Bongbong ng, “My President.” 

Buong pahayag ni Toni sa caption ng litrato nila ng kanyang ninong sa kasal, “You’re welcome my President @bongbongmarcos (victory sign emoji).”

Samantala, nag-post din ang asawa ni Toni na si Direk Paul sa IG ng photo nilang mag-asawa kasama ang presidential candidate at tinawag din niya itong “My President” sa isinulat niyang caption.

Dahil nga sa bagong post na ito nina Paul at Toni, marami ang nagsabi na wala nang kinatatakutan ang mag-asawa at handang-handa na sila sa napiling laban para sa sinusuportahan nilang partido sa Eleksyon 2022.

View this post on Instagram

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)


https://bandera.inquirer.net/288306/toni-gonzaga-sa-pagpasok-sa-mundo-ng-politika-never-say-never
https://bandera.inquirer.net/305342/toni-kinastigo-ni-erik-matti-binanatan-ang-unbothered-post-despicable-disgusting-and-really-crude

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305259/toni-basag-na-basag-sa-mga-haters-dahil-sa-politika-nakakabastos-naman-kasi-talaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending