Dawn Zulueta binatikos ng netizens sa pagiging parte ng Marcos delegates sa Switzerland
KALIWA’T kanang pambabatikos ang natatanggap ngayon ng aktres na si Dawn Zulueta matapos itong ma-ispatang kasama sa mga delegates ni Pangulong Bongbong Marcos sa Switzerland.
Marami kasi ang nagtataka kung ano ang role o gampanin ng aktres sa World Economic Forum na sinadya ng pangulo kaya ito lumipad patungong Davos, Switzerland.
Si Dawn ay asawa ni Antonio Lagdameo Jr., ang Special Assistant ni Pangulong Bongbong Marcos na kasama rin sa event.
Kalat na kasi ngayon sa Twitter ang video clip na ipinost ng People’s Television Network noong Martes, January 17 kung saan makikitang kasama sa “welcome lunch” ang aktres.
Agad ngang umani ng samu’t saring reaksyon at komento ang kanyang pagdalo sa naturang forum gayong hindi naman politiko o ekonomista si Dawn.
PANOORIN: Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang welcome lunch na pinangunahan ng Philippine Economic Development Cabin Cluster sa unang araw ng World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland nitong Lunes, Jan. 16. (🎥: RTVM)
1/3 pic.twitter.com/Tz2r2LEfWt
— PTVph (@PTVph) January 17, 2023
“Political color aside, the question is really begging to be asked: What was the official role of Dawn Zulueta in Davos? Assuming the invitation is a ‘plus one,’ have the decency and wisdom to do what is good for the country,” saad ng isang netizen.
Comment pa ng isa, “If Dawn Zulueta is part of the onboard entourage of the BBM then someone should explain her role in Davos. Kung personal na pera naman gamit niya kasama asawa niya, then resibo na lang. Sa hirap ba naman ng bansa natin ngayon at nagbabayad tayo [ng buwis] eh kailangan resibo.”
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng aktres hinggil sa mga katanungan ng netizens kung ano ang role at kung sino ang gumastos sa kanyang pagpunta sa Davos.
Ilan pa sa mgackasama sa naturang delegates na kasama ni Pangulong Marcos ay sina First lady Liza Araneta-Marcos at ang anak nitong si Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Dawn hinggil sa isyu.
Related Chika:
Dawn Zulueta nagpahayag ng pagsuporta sa tambalang Marcos-Duterte
Dawn Zulueta in love na in love pa rin sa mister after 25 years: Loving you is the best thing
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.