MARIEL: Naisip ko baka ako ang unang mamatay, baka mabaril ako!? | Bandera

MARIEL: Naisip ko baka ako ang unang mamatay, baka mabaril ako!?

Ervin Santiago - October 07, 2013 - 03:00 AM

Matapang ding nanindigan si Mariel Rodriguez hinggil sa issue ng pork barrel, sinusuportahan niya ang paninindigan ng asawang si Robin Padilla na hayagang nanawagan sa pagre-resign ni Sen. Franklin Drilon at iba pang politikong sangkot sa iskandalo.

May mga nag-comment na “rude” naman daw ang ginawa ni Binoe, pero sagot ni Mariel sa isang TV interview, “Rude talaga, sabi ko, sorry for being rude, kasi rude din naman yung ginagawa nila.

Dahil nagbabayad tayo ng buwis, tapos, di ba, nagkakalabasan na.” Inamin naman ng TV host na ninenerbiyos din siya sa ginagawa nilang paglaban sa corruption dahil baka nga balikan sila ng mga politikong kinakalaban nila, pero aniya, kailangang maging matapang para sa kanilang ipinaglalaban.

“Sa totoo, naisip ko na hindi kaya ako ang unang mamatay, na mabaril ako ng mga nakakaaway namin. Naisip ko talaga, baka mabaril ako.

Kaya medyo noong papunta ako, medyo tumingin- tingin ako sa traffic, kasi baka bigla na lang akong mamatay. So yun, alam niyo na. Hindi, loko lang!” biro ni Mariel.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending