Madre na itinuturing na pinakamatandang tao sa mundo pumanaw na sa edad 118

Madre na itinuturing na pinakamatandang tao sa mundo pumanaw na sa edad 118

PHOTO: AFP

PUMANAW na ang tinaguriang pinakamatandang tao sa mundo na si Lucile Randon o mas kilala bilang si Sister Andre.

Siya ay nasa edad 118.

Si Sister Andre ay isang madre na ipinanganak sa France noong February 11, 1904 – isang dekada bago maganap ang World War I.

Ayon sa spokesperson na si David Tavella, namatay ang madre habang natutulog sa kanyang nursing home sa siyudad ng Toulon sa France.

“There is great sadness but… it was her desire to join her beloved brother. For her, it’s a liberation,” sey ni Tavella Tavella.

26 years old si Sister Andre nang magpa-convert siya sa Katoliko.

Noong edad 41 naman siya nagdesisyong maging madre at sumali sa “Daughter of Charity of Nuns.”

At mula nang maging opisyal na madre ay nagtrabaho siya sa isang ospital sa Vichy sa loob ng 31 years.

Noong 2021 ay tinamaan din siya ng COVID-19 virus kasama ang 81 pang naninirahan sa nursing home, at siya ay gumaling naman agad.

Noong April 2022 nang makuha ni Sister Andre ang Guinness World Record na “longest-lived person” matapos mamatay si Kane Tanaka ng Japan na may edad 119.

Read more:

Apo Whang-od kering-keri pa ring mag-tattoo at magsayaw sa edad na 105

Read more...