Darryl Yap sa bashers: ‘Kaya kayo Donnalyn at Alex, gayahin n’yo na lang sila, balahurain at papangitin n’yo sarili n’yo!’

Darryl Yap sa bashers: 'Kaya kayo Donnalyn at Alex, gayahin n'yo na lang sila, balahurain at papangitin n'yo sarili n'yo!'

Donnalyn Bartolome, Darryl Yap at Alex Gonzaga

IPINAGTANGGOL din ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang patuloy na binabanatan at pinuputakti ng kanegahan ngayon na si Alex Gonzaga.

Sa kabila ng personal na pagso-sorry niya sa binastos daw at hiniyang waiter noong magdiwang siya ng kanyang kaarawan last Sunday (birthday salubong), hindi pa rin tinatantanan ang TV host-actress ng mga bashers.

Ang feeling nila, napilitan na lang ang sisteraka ni Toni Gonzaga na humingi ng tawad dahil sukol na sukol na siya ng mga taong na-offend at na-hurt sa ginawa niya sa food server na si Allan Crisostomo.

Nakakasawa na rin daw kasi ang ginagawa ni Alex dahil paulit-ulit lang daw ang paggawa nito ng sablay at kasalanan sa kanyang kapwa. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagtatanda.

“On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment.

“I am truly sorry, Kuya Allan.

“To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person,” ang mensahe ng actress-vlogger.


Samantala, sa pamamagitan naman ng kanyang Facebook account ay dumepensa si Direk Darryl Yap para kay Alex pati na rin sa isa pang kontrobersyal na content creator na si Donnalyn Bartolome.

Inalamahan ng direktor ang masasakit at maaanghang na salitang ibinabato ng ilang vloggers laban kina Alex at Donnalyn.

“Yung grabeng mambash kay Donnalyn at kay Alex ay yung mga sumikat galing sa tiktok at twitter; grabe magsalita, parang krimen-levels,” simulang pagtatanggol ng direktor sa dalawang content creator.

“Kaya kayo Donnalyn at Alex, gayahin nyo na lang sila, baka yung ginagawa lang nila ang tama—balahurain nyo ang sarili nyo, papangitin nyo.

“Gawa kayo ng mga content na mukha kayong tanga tapos mag-abang kayo ng celebrity na magkakamali o mamaliin—sakyan nyo, gatasan nyo, umasta kayong malinis at mahalaga,” hirit pa ni Direk Darryl.

Narito naman ang ilan sa mga comments ng netizens sa FB post ng direktor.

“Cake lang ang ipinahid, nagsisipagwala. Aba’y ilan ba sa kanila o sa atin ang nagpahid ng kung ano ano sa kung saan saan. Ang pagkaka-iba lang, walang video. Halimbawa, kulangot, sipon, tam_d. Nandyang ipahid sa pader, sa upuan, sa buhok o balikat ng kaklase, etc. Ewan ko ba!”

“Kilala at kapalagayang loob ng pamilya nina Alex ung waiter. Siya ang madalas nagseserve sa family pag kumakain sila doon. Bakit parang mas naooffend pa ang iba kesa sa waiter na kakilala nila? Lungkot ng buhay nyo ha.”

“Alex didnt mean it pero kawawa tlga ung mukha ng naka hawak ng cake, minsan ang sobrang joke di nakakatuwa.”

“Sa mundo kasi ng social media..
madaming mapag panggap, manggamit.. gaya nito may isang kapirasong vid clip..pinalaki dami naki sakay.. kasi bawat content kahit di nmn issue talaga may pera..hayaan nyo na. pag gipit sa mali ng iba kumapit.. pera pera lang.”

“Bakit sa eat Bulaga pinapahuran ng icing mga nanonood dun wala namng hanash, nak ng towak tlga mga feeling perfect.”

“For me ha anong pambabastos dun, di naman tae ung pinahid hindi naman sinampal ung waiter galit na galit lang sila kay alex eh para mabash hay.”

Donnalyn nilinaw na hindi kinasuhan si Jose Hallorina: Paano mo ko ako matatalo sa korte?

Donnalyn Bartolome nag-sorry matapos ma-bash sa ‘sexy baby’ photoshoot: It was an honest mistake…I feel terrible

Aljur burado na ang ‘breaking silence’ post; Kylie magsasalita na!

Read more...