Angeli Khang nahirapan sa iba’t ibang klase ng sex sa ‘Bela Luna’, pinapak nina Mark Anthony, Julio Diaz at Kiko Estrada
SINIGURO ng award-winning director na si Mac Alejandre at ng National Artist na si Ricky Lee na ibang Angeli Khang naman ang mapapanood sa bago nilang collaboration.
Muling bibida ang tinaguriang Vivamax Queen sa sinasabing most challenging project na ginawa niya mula nang pumasok siya sa showbiz, ang “Bela Luna” kung saan gaganap siya ng dual role.
“Yes, I play two different characters. One is Bel and the other one is Luna. It’s a movie with two different stories about two different women who are connected with each other, much more than it seems.
“And of course, I cannot just reveal how they’re really connected as it will be a very big spoiler,” pahayag ng dalaga sa ginanap na virtual mediacon ng naturang movie.
“Most of my past movies, laging sad, laging inaapi ako, but here, as Bela, I’m portraying a strong character na hindi inaapi. She’s woman empowered so it’s something new for me,” sabi pa niya.
Sa kuwento nito, kilalanin si Luna (Angeli), isang teacher na nasa edad 20z na pinagmamalupitan ng asawang halos doble sa edad niya, si Abe (Julio Diaz).
Dahil madalas maltratuhin at pagsamantalahan ni Abe, hindi na makapaghintay si Luna na iwan ang kanyang asawa. Magkakaroon siya ng panandaliang pagtakas sa pagdating ni Diego (Mark Anthony Fernandez), isang lalaking bibihag kay Luna.
Pero sa maikling sandali nila ni Diego, magkakapalagayan sila ng loob na mauuwi sa mainit na pagtatalik. Binigyan niya si Luna ng bagong dahilan para masabik sa pag-ibig. Si Diego na nga kaya ang magiging dahilan para tuluyang makalaya si Luna kay Abe?
View this post on Instagram
Si Bela ay isa namang empowered city girl na ka-live in ang kanyang boyfriend na si Arnold (Kiko Estrada). Silang dalawa ay may binububuong special project na hindi nila alam na unti-unting titibag sa kanilang relasyon.
Sa pagtatagpo ng kanilang landas, magbabago ang kanilang buhay na siyang magiging dahilan ng mga pasabog na twists and turns sa istorya.
Sa tanong kung kanino siya mas nakaka-relate sa dalawang karakter niya sa pelikula, kay Bela o kay Luna? “I can relate with both of them in that they’re both brave and I think I’m brave din naman in my own way.
“Pero sa mga experiences na pinagdaanan nila sa movie, hindi ako maka-relate kasi hindi ko pa naranasan. Mahirap din ang movie kasi magkakaibang love scenes ang ginawa ko with Mark Anthony Fernandez, Kiko Estrada and Julio Diaz,” pahayag ng dalaga.
Pero inamin niya na mas mahirap daw gampanan si Bela, “Kasi nga, in my past movies, ako ‘yung abused party, but si Bela is a strong woman, very talented, she stands for herself, well-educated, never nag-stammer sa pagsasalita niya.
“Kita ‘yung confidence niya pati sa kilay, mata, sa movements niya kaya Direk Mac is always reminding me about it. When he pitched it to me, sabi niya, anak, big project ito. Matagal namin itong pinaghandaan ni Ricky Lee.
“Ang gusto namin, malampasan mo ang previous performances mo. Sir Ricky Lee visits us sa set so I can see na very serious sila ni Direk sa ‘Bela Luna’, kaya nga hands on sila talaga sa paggawa nito. Ako naman, I get so inspired to always give my best in every scene,” sabi pa ni Angeli.
Sa dami ng nagawang pelikula ni Angeli sa Vivamax, kabilang na ang “Silip sa Apoy”, “Mahjong Nights”, “Selina’s Gold” at marami pang iba, siya na nga ang masasabing tunay na reyna. Ano ang reaksyon niya rito?
“Naku, ayokong isipin or i-claim. Basta ang lagi ko lang iniisip, I just have to do my best in every project they give me.
“Sobrang nagpapasalamat ako sa Viva kasi tuluy-tuloy lang ang movies ko, which is a blessing kasi gusto ko pa mag-grow in every project that I do. Hindi naman ako mahilig sa titles na queen ng kahit ano,” chika pa ni Angeli Khang.
Showing na ang “Bela Luna” sa January 27 sa Vivamax.
Angeli Khang may hamon kay Xian Gaza: Hindi ako marites pero…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.