PIOLO umamin, nagtangkang ligawan noon si TONI pero biglang umurong
KAHIT nakagawa ng ng isang pelikula si Iñigo, matigas pa rin ang desisyon ni Piolo Pascual na kailangang matapos muna ng kanyang anak ang college bago siya tuluyang sumabak sa pag-aartista.
Ayon sa aktor, priority pa rin nila ng anak ang pag-aaral. Pinayagan lang daw niya itong gumawa ng pelikula dahil kailangan sa kanyang course.
“He just did it because it was summer but there’s not going to be any promo kasi ang usapan namin we’re going to use the credential points for college so parang credit points ‘yun sa course na kukunin niya so pwede niyang gamitin ‘yun para sa scholarship, only for that.
Para sa akin pag-aaral muna talaga,” pahayag ni Piolo. Natutuwa naman si Piolo dahil lumaking mabait at masunurin ang anak, at siyempre proud siya sa nagawang movie nito, “He’s really happy, he never complains, and I’m happy na nakagawa siya ng pelikula. Di ko maisip na at this early nakagawa siya.”
Sa ngayon, tinatapos na nila ni Toni Gonzaga ang kanilang first movie, PJ is doing a movie as well, starring alongside Toni Gonzaga.
“Siyempre it’s exciting because the last time I work with her was Milan, nakakatuwa to be working with her again.
“Ibang Toni Gonzaga ang makikita niyo dito maski ako eh natutuwa ako sa kanya kasi parang how she’s being transformed, makikita mo talaga ‘yung growth niya as an actress.
I’m happy because I’m working with her now at dito makikita talaga ng tao na she’s a good actress,” sey pa ni PJ sa isang interview.
Nabasa naman namin sa isang website na inamin ni Piolo na nagtangka siyang manligaw noon kay Toni, pero hindi na niya ito itinuloy, “Yes, when she was starting out in ABS pero di nga natuloy noon kasi busy siya, busy ako tapos iba naman ‘yung priority niya noon, bata pa siya.
Lumabas kami once or twice but that’s it.”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.