Zeinab Harake binalak i-delete ang YouTube channel: Sobrang toxic na, hindi ko na alam kung paano ie-explain ang sarili ko
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Zeinab Harake
TAO lang din naman ang YouTube vlogger na si Zeinab Harake na nasasaktan at naaapektuhan ng matitinding pamba-bash ng mga taong walang alam gawin sa buhay kundi ang mangnega.
Kaya naman ang rebelasyon ng proud single mom, dumating din siya sa point na gusto na niyang i-delete ang lahat ng kanyang social media accounts dahil hindi na niya kayang sikmurain ang pambabastos at pang-ookray ng mga haters.
Sa kanyang latest vlog, inamin ni Zeinab na ilang beses na niyang binalak na tanggalin na at tapusin na ang kanyang YouTube channel dahil sa pagiging toxic ng socmed.
May mahigit na 13.3 million subscribers na siya sa kanyang YouTube channel at itinuturing na isa sa most followed content creators sa Pilipinas.
“Meron akong moment na gusto kong i-delete yung channel ko. Sabi ko, ayaw ko ng (social) media. Sobrang toxic na nito. Hindi ko na alam paano iexplain nang paulit-ulit yung sarili ko,” pag-amin ni Zeinab.
Ngunit dahil daw sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya at sa mga netizens na nagtatanggol sa kanya, na-realize niya na mas may malalim at bonggang rason kung bakit kailangan niyang ipagpatuloy ang kanyang vlogging career.
“Sa mga Zebbies ko, simula noong 2019 hanggang sa nag stay kayo noong 2022, maraming maraming salamat. Hindi niyo alam kung paano ko kayo tinignan nung mga times na gusto kong sumuko,” sabi ni Zeinab.
“Kung hindi dahil sa inyo, this 2023 wala na kayong videos na mapapanood, kung hindi niyo [ipinarealize] sa akin na ‘ganyan ka tignan ng mga tao, okay lang, nandito kami para sa ‘yo,’” aniya pa.
Last year, nasangkot sa matinding kontrobersya si Zeinab matapos mag-viral sa social media ang screenshots na ipinost ng kapwa vlogger na si Wilbert Tolentino ng usapan nila tungkol sa iba pa pang YouTuber.
Dito, mababasa ang mga kanegahang pinagsasabi raw ni Zeinab laban sa mga kasamahan nila sa vlogging world. Nag-sorry naman agad ang socmed personality sa lahat ng nasaktan niya kabilang na sina Jelai Andres, Donnalyn Bartolome at iba pa.