Yasmien, Nadine muling magsasama sa ‘bardagulang’ serye ng GMA na ‘The Missing Husband’ makalipas ang 10 taon

Yasmien, Nadine muling magsasama sa 'bardagulang' serye ng GMA na 'The Missing Husband' makalipas ang 10 taon

Yasmien Kurdi at Nadine Samonte

DALAWA sa mga original StarStruck alumni ang muling magsasama para sa isa na namang bardagulang drama series ng GMA 7, ang “The Missing Husband.”

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Isang kaabang-abang na proyekto muli ang pagsasamahan ng “StarStruck” season 1 graduates na sinal Yasmien Kurdi at Nadine Samonte na maituturing na isang “pangmalakasang serye.”

Mapapanood sa GMA Afternoon Prime ang reunion series ng dalawang Kapuso actress na nagsama na noon sa ilang Kapuso shows kaya siguradong abangers na ang kanilang mga tagasuporta.

Ka-join din sa “The Missing Husband” sina Rocco Nacino, Jak Roberto, Joross Gamboa at Sophie Albert.


Sey ni Nadine, super excited na siyang makatrabaho uli si Yasmien matapos ang halos 10 taon.

“Alam mo yung magiging komportable ka sa set kasi alam mo na may nakasama ka before na nakatrabaho mo,” aniya sa panayam ng GMA.

Chika naman ni Yasmien, “I’m excited too to work with people na hindi ko pa nakakatrabaho before.”


Para naman kay Rocco na isa ring produkto ng “StarStruck,” nang malaman niya ang gagampanang role sa serye ay agad daw siyang nag-research tungkol sa mga taong nabiktima ng “scam.”

“Nu’ng nalaman ko about the show, about the role, I started talking to people na naging victims of scams at marami akong narinig na horror stories at nakakaiyak na pakinggan. Hopefully sa cast na ito na alam kong lahat ay magagaling, ay talagang makapag-reach out kami sa kanila,” chika ng aktor.

Kamakailan ay sumabak na sa look test ang lahat ng cast members ng upcoming GMA series na ididirek ni Mark Reyes na siya ring nasa likod ng “Voltes V: Legacy” na mapapanood na ngayong 2023.

Yasmien niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan: Dream car ko talaga siya!

Gerald Anderson, Kylie Padilla magsasama sa bonggang project; wagi ang chemistry sa BTS ng pictorial

Yasmien Kurdi naloka matapos magkamali ng pinasok na tent sa taping: ‘Set po ito nina Bea Alonzo…’

Lolit Solis tuloy ang pambabasag kay Bea Alonzo: Kapag katabi niya si Yasmien Kurdi mukha siyang…

Read more...