Gerald Anderson, Kylie Padilla magsasama sa bonggang project; wagi ang chemistry sa BTS ng pictorial | Bandera

Gerald Anderson, Kylie Padilla magsasama sa bonggang project; wagi ang chemistry sa BTS ng pictorial

Ervin Santiago |June 21,2022
facebook
share this

Gerald Anderson, Kylie Padilla magsasama sa bonggang project; wagi ang chemistry sa BTS ng pictorial

Ervin Santiago - June 21, 2022 - 12:09 PM

Gerald Anderson at Kylie Padilla

KUMPIRMADO! Magsasama nga ang Kapamilya hunk na si Gerald Anderson at ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa isang bonggang project.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakatrabaho ang dalawang celebrities kaya naman ngayon pa lang ay abangers na ang kani-kanilang mga tagasuporta.

Ibinahagi ng MAXV Productions ang isang video sa social media nitong nagdaang Linggo, June 19, kung saan mapapanood ang BTS (behind the scenes) ng kanilang pictorial.

Sa nasabing live video na ipinost sa Facebook, kitang-kita ang nag-uumapaw na chemistry nina Gerald at Kylie na gagampanan ang mga character nina Noah at Lucy.

Walang karagdagang detalye na ibinigay ang MAVX Productions tungkol sa pagsasamahang proyekto nina Gerald at Kylie pero ang hula ng marami at isa itong romcom movie base na rin sa napanood nilang BTS sa pictorial.

Ang MAVX Productions ang nag-produce ng mga pelikulang “A Faraway Land” na pinagbidahan nina Paolo Contis at Yen Santos at “Ikaw” nina Janine Gutierrez at Pepe Herrera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)


Sa hiwalay na post ng film company, ibinandera nitong isa lamang ang proyekto nina Gerald at Kylie sa mga pasabog nila ngayong 2022 at sa mga susunod na taon.

Meron pa raw silang gagawing projects na pagbibidahan nina Paolo Contis at Joross Gamboa; Jane Oineza at RK Bagatsing; at ang pagsasamahang pelikula nina Carlo Aquino at Barbie Imperial.

Samantala, mapapanood na soon si Gerald sa bagong Kapamilya series na “A Family Affair” kasama sina Ivana Alawi at Sam Milby habang humahataw naman ngayon sa ratings game ang “Bolera” ni Kylie kasama sina Jak Roberto at Rayver Cruz.

Sam, Ivana, Gerald magsasama sa isang teleserye

Erich mas gumanda at sumeksi matapos ikasal, pinayagan agad magtrabaho ng asawa

Heart binalikan ang ginawang sexy pictorial: Hirap kumita…I can’t believe I did this

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending