Kathryn ibinandera ang naipundar na dream house; natupad na rin ang wish na magka-property sa Palawan | Bandera

Kathryn ibinandera ang naipundar na dream house; natupad na rin ang wish na magka-property sa Palawan

Ervin Santiago - January 11, 2023 - 08:26 AM

Kathryn ibinandera ang naipundar na dream house; natupad na rin ang wish na magka-property sa Palawan

Kathryn Bernardo

UNTI-UNTI nang natutupad ni Kathryn Bernardo ang kanyang mga pangarap hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para na rin sa pinakamamahal niyang family.

Masayang ibinalita ng Kapamilya actress at Box-Office Queen sa madlang pipol na malapit nang matapos ang construction ng kanilang dream house.

Sa kanyang Instagram account, ipinasilip ng girlfriend ni Daniel Padilla ang ilang bahagi ng ipinatatayo niyang bahay para sa kanilang pamilya. Aniya sa caption, “Final push!”

Makikita sa mga ibinahagi niyang litrato sa IG ang iba’t ibang parte ng bahay kabilang na ang living room at ang napakalawak na veranda. Sa isa pang photo ay makikita ang napakagandang view overlooking the city.

Bukod sa kanyang mga fans, binati rin si Kathryn ng mga kaibigang celebrity tulad nina Alyssa Muhlach at Trina Uytingco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Noong March, 2020 nang gawin ang groundbreaking ceremony sa nabiling lote nina Kathryn na pagtatayuan nga ng kanilang dream home.

“The construction of our dream home has officially begun. I still can’t believe it’s finally happening after 3 years of planning!” ang caption ni Kathryn sa mga ipinost niyang litrato sa Instagram.

“Dream ko talaga na mapatayo ‘yung dream house namin ni Mama. Pero hindi kasi joke ang gagastusin, tapos ang daming priorities.

“So sabi namin baka next year. Tapos patagal na siya nang patagal bago masimulan,” pahayag naman ng dalaga sa panayam ng “Magandang Buhay.”

“Gusto ko kasi kapag nagpatayo ng dream house ‘yung gusto na namin, ‘yung nae-envision ni Mama kung ano ang gusto ko, lahat, sa buong family. So hopefully mag-start na ‘yung construction soon. Kayod pa,” sabi ng aktres.

Bukod nga sa pagpapatayo ng dream home, isa pa sa pag-aaring  real estate property ni Kathryn ay ang resort niya sa El Nido kung saan ka-partner naman niya si Piolo Pascual.

Ito ay ang Isla Amara na pormal na binuksan noong October 28, 2022. Kuwento ni Kathryn, “El Nido has always been special sa amin ng pamilya ko especially sa akin.

“The first time na nandito ako it was maybe five or ilang years ago and I fell in love with the place and eventually nung nakita ko ‘yung site ng El Nido na ‘to, mas na-in love ako sa place.

“Kunwari may pupunta ako na friends dito sa Pilipinas, I would always recommend go to El Nido. You will have the best time. So parang home for me.

“Every time they asked me sa interview, what do you want to do 20 or 10 years from now, I would always say I want to have my own boutique hotel sa El Nido and then nangyari siya agad so nakaka-happy.

“Parati kasi meron sa aking, may happiness na nabibigay ‘pag related sa beach kasi it relaxes me, it recharges me as well, so di ko lang in-expect na ang bilis lahat ng nangyayari, nagugulat lang din ako actually,” chika ni Kathryn.

Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn may nadiskubre kay Daniel makalipas ang 11 years bilang magka-loveteam: Mas perfect pa siya sa akin…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending