Trina Candaza may hugot sa hiwalayan: Kaliwaan pag-iiwan ng pamilya

Trina Candaza may hugot sa hiwalayan: Kaliwaan pag-iiwan ng pamilya

TILA may hugot ang isa sa mga social media post ng ex-girlfriend ni Carlo Aquino na si Trina Candaza.

Sa kanyang Facebook account ay nag-upload ito ng selfie habang hawak-hawak ang isang pabango na kanyang ibinibenta.

“Pabango muna tayo para bumango naman ihip ng hangin, kaliwaan pag iiwan ng pamilya eh,” saad ni Trina.

Well, totoo naman ang statement niya dahil unang linggo pa lang ng taong 2023 ay talaga namang pasabog na ang mga showbiz happenings.

[Trina IG]


Maski siya ay paniguradong nakaka-relate sa usapang “hiwalayan” dahil nitong December 2021 lang nang maghiwalay sila ng kanyang dating karelasyon na si Carlo Aquino.

Ang pagmamahalan nga nina Trina at Carlo ay nagbunga ng napakagandang bata na si Elona Mithi.

Marami naman ang nag-comment sa kanyang post.

“It’s okay if people tells that you’re bitter. You are a human being and have all the right to feel bad about all that has happened.. You cant just skip the feeling of anger and bitterness, that’s part of the healing process. Hugs to you mamshie Trina Candaza,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Keep that spirit! You don’t deserve that kind of man! God has protected you from life sentence gwaps! Stay GWAPA!!! kaya mo yan!”

“Keep your head & spirit up.. Miss Trina! stay strong & gorgeous. you’re such an amazing mum to Mithi,” sey naman ng isa.

Last year ay maraming naiulat na maayos ang samahan ng dalawa pati na rin ang co-parenting set up nila ngunit sa pagtatapos ng 2022 ay mukhang nagkaroon na naman sila ng hindi pagkakaunawaan.

Maski ang year-end post ni Trina ay tila may hugot.

“Before leaving 2022, I want to look back and be reminded of all the things that happened to me, to us rather. So I will be reminded of how I braved through it all.

We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us. But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life,” lahad ni Trina.

Ngunit sa kabila ng mga bagay at taong nawala sa kanya ay marami namang magagandang blessings ang pumalit rito.

Pagpapatuloy ni Trina, “And looking back, I’ve realized that me and Mithi have been very blessed with the people around us. Providing me support and opportunities

Thank you to all the people who have helped me and Mithi, you know who you are, we love you and we are very grateful for all the help and love. 2022, you are the year that built me.”

At ang rebelasyon nga lately ni Carlo ang patunay na hindi maganda ngayon ang relasyon nila ni Trina.

Inamin na kasi ng aktor na nasa “dating” stage na sila ng kanyang co-star na si Charlie Dizon kaya marami ang nagtatanong kung kumusta naman ang relasyon niya sa kanyang mag-ina.

Dito ay sinabi ni Carlo na matagal na niyang hindi nakakasama si Mithi na nasa poder ni Trina.

“Nakakaapekto lang talaga sa akin is hindi ko nakikita ‘yung daughter ko since November.

“Ayaw ko kasing magsalita ng anything against her (Trina), ‘di ba? Kasi at the end of the day, mom siya ni Mithi. Basta nag-reach out po ako. Tinanong ko po kung kailan ko pwedeng makasama, New Year ba, kasi usually ganun po,” sabi ni Carlo.

Hiling mg aktor na mahiram niya ang anak sa dating ex-girlfriend lalo na’t hindi naman daw niya ito pinapabayaan at nagpo-provide naman daw ito ng kanilang mga pangangailangan kahit hiwalay na sila.

Related Chika:
#SecondChance: Carlo Aquino, Trina Candaza OK na uli ang relasyon, mauwi nga kaya sa pagbabalikan?

Trina Candaza iniwan na ang bahay nila ni Carlo, lumipat sa condo kasama ang anak

Carlo Aquino, Trina Candaza magkasamang nag-celebrate ng birthday ni Mithi

Carlo, Trina maayos ang usapan sa pagpapalaki, pag-aalaga kay Baby Mithi kahit hiwalay na raw

Read more...