Carmina Villarroel binati ang kambal na sina Cassy at Mavy: Always remember that we are here for you

Carmina Villarroel binati ang kambal na sina Cassy at Mavy: Always remember that we are here for you
SUPER mom talaga ang peg ng aktres na si Carmina Villarroel dahil talagang nag-ready sila ng asawang si Zoren Legaspi para sa kaarawan ng kanilang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang simple birthday salubong ng kambal kung saan nag-prepare sila ng tig-isang cake, blue kay Mavy samantalang yellow naman kay Cassy.

“Birthday salubong of our wonderful twins @mavylegaspi and @cassy Happy Birthday! We are so proud of you guys!” saad ni Carmina.

Dagdag pa niya, “We always thank the LORD for giving us such good and respectful kids. Always remember that we are here for you guys. We love you so so much! Enjoy your special day!”

Bukod sa birthday salubong ay may pa-party rin ang kambal kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Nag-upload pa nga si Carmina ng ilang mga larawan na kuha sa party sa kanyang Instagram account.

Makikita rin na nasa party ang girlfriend ni Mavy na si Kyline Alcantara at ang rumored dyowa naman ni Cassy na si Darren Espanto.

“Happy Birthday again Mavy [and] Cassy. Enjoy the rest of the evening. We love you guys!” sey ni Carmina sa caption.

Marami naman sa mga netizens at personalidad mula sa industriya ang bumati sa kaarawan ng kambal.

Happy, happy birthday, my kabirthdays @mavylegaspi and @cassy!!! Your Mom has been my sis for 23 years (!) now, and she and your dad have raised you two so beautifully. You are blessed, and I thank you both for also being a blessing! May you shine more brightly every year and may all your dreams come true! Lots of love,” pagbati ni Megastar Sharon Cuneta.

Comment baman ni Aiko Melendez, ”

Verified
Happy Birthday twins 🙂 @cassy and @mavylegaspi. Your parents are so blessed to have you both as their children. 🙂 God bless you both. Pls continue to shine for Jesus!!! Love you both inaanak.”

“grabe 22years old na mga twins pero yung nanay at tatay parang 22yrs old din hindi tumatanda. happy birthday Mavy and Cassy wish you both all the love and more success in everything you do, GOD BLESS,” hirit naman ng isang netizen.

Related Chika:
Carmina boto ba kina Darren at Kyline para kina Cassy at Mavy?

Zoren kakaibang iyak ang ipinakita sa ‘The End Of Us’: Para hindi ako pagtawanan ng kambal

Sharon Cuneta ‘pinagsabihan’ si Mavy Legaspi, Carmina Villarroel tawang-tawa

Carmina Villarroel inintriga ng netizen ukol sa pag-aaral ng mga anak: ‘Bakit po parang inuuna ang showbiz?’

Read more...