Elisse Joson nagger nga ba kaya hiniwalayan ni McCoy de Leon?

Elisse Joson nagger nga ba kaya hiniwalayan ni McCoy de Leon?

HANGGANG ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang hiwalayan ng dating “Pinoy Big Brother” housemates na sina Elisse Joson at McCoy de Leon.

Tuluyan na ngang inamin ng aktor na nag-break na sila ng ina ng kanyang anak sa pamamagitan ng isang Instagram story matapos kumalat sa social media ang larawan niya kasama ang social media influencer na si Mary Joy Santiago.

Pero bago pa man ito ay marami na ang nakakaramdam na “on the rocks” na ang kanilang relasyon dahil matagal nang walang photos together sina McCoy at Elisse na madalas namang mag-post noon sa Instagram.

At dahil nga isa ito sa mga maiinit na topic online ay napag-usapan rin nina Cristy Fermin at Romel Chika ang isyu sa kanyang show na “Cristy Ferminute”.

[Elisse IG]

Nagtataka raw kasi ang kolumnista kung ano ba talaga ang naging rason bakit tuluyang naghiwalay ang dalawa sa kabila ng pagkakaroon ng cute na cute na anak.

“Ano kaya ‘yun, ano? Ano kaya ‘yung hindi kinaya ni McCoy? May hiningi kaya na todo-todo sa kanya itong si Elisse kaya hindi niya kinaya?” saad ni Cristy.

Aniya, totoo nga raw ba ang sapantaha ng mga magagaling na netizens sa ugali ng aktres.

“Or totoo kaya ‘yung sapantaha ng maraming marites na ang pagiging nagger daw ni Elisse ang hindi kinaya ni McCoy? Nagger ba ito?” dagdag pa ni Cristy.

Sey naman ni Romel, “Naku, mukhang gusto kong patulan din ‘yan, Nay. Kasi nga galit-bati e… So ibig sabihin nu’n, talagang meron talaga silang mga bagay-bagay na talagang pinipilit nilang i-workout pero hindi talaga nila magawang maayos. Kaya ito, ‘sumuko na ako.'”

Sey pa ni Cristy, mukhang malalim ang nangyari para sukuan ni McCoy ang relasyon nila ni Elisse.

“Matindi ‘yon, napakalalim nu’n para sukuan niya ang isang bagay,” diin ng kolumnista.

Samantala, patuloy naman ang pananahimik ni Elisse patungkol sa isyu at kahapon nga ay nag-celebrate ito ng kanyang ika-27th birthday.

Related Chika:
McCoy de Leon kinumpirmang hiwalay na sila ni Elisse: Wala pong involved na ibang tao

Part 2 ng love story nina McCoy at Elisse nagsimula nang dahil sa jacket, nadaan sa ‘signs’

Elisse Joson ayaw ng bonggang wedding: Ang dream ko lang talaga sa dagat…at sa church

Mga hugot nina Elisse Joson at McCoy de Leon sa socmed pang-promo lang?

Read more...