MULING naninilbihan bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff si Gen. Andres Centino matapos italaga ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong January 6, si Gen. Centino ang napiling pumalit kay Lt. Gen. Bartolome Bacarro dahil may karanasan na siya sa parehong posisyon mula November 12, 2021 hanggang August 8, 2022.
Inanunsyo din ng PCO na nanumpa na si Gen. Centino sa harap ng Pangulo sa Malacañang.
“Under his leadership, the Armed Forces successfully launched military campaigns to combat insurgents and local terrorist groups resulting in the dismantling of guerilla fronts and the clearing of affected communities,” sey ng PCO sa isang pahayag.
Dagdag pa nito, “During his tenure, he led the units of the Armed Forces nationwide in advancing the peaceful and orderly conduct of the Philippine 2022 national and local elections.”
Si Gen. Centino ay grumaduate ng cum laude sa Philippine Military Academy noong 1988.
Bago pa maging AFP Chief of Staff ay nanilbihan siyang Commanding General ng Philippine Army.
Read more:
Vice Ganda namigay ng P300,000 sa ‘Showtime’ staff: Sobrang mahal na mahal ko ‘tong mga ‘to