‘Gun ban’ ipinatutupad sa Central Visayas para sa pagdiriwang ng Sinulog Festival

‘Gun ban’ ipinatutupad sa Central Visayas para sa pagdiriwang ng Sinulog Festival

PHOTO: Nestle Semilla

KASALUKUYANG ipinatutupad sa Central Visayas ang “gun ban” para sa pagdiriwang ng Sinulog Festival ngayong Enero.

Nagsimula na ang nasabing kautusan nitong January 5 at nakatakda itong matapos sa January 20.

“Even though you are a licensed firearm holder, definitely you are not allowed [to bring it]. But of course, there is an exemption for that, [and] that will be issued to approving authority,” sey ni PRO-7 director Brig. Gen. Jerry Bearis.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling magkakaroon ng in-person activities ang nasabing pista mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa.

Bukod sa “gun ban,” pinaigting din ng mga pulisya ang checkpoints sa apat na probinsya ng rehiyon, kabilang na riyan ang Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor.

Posible din na mawalan ng cellular phone signals sa mga lugar na pagdadausan ng religious at cultural activities.

Hinihintay na lamang daw ng mga pulis ang go signal mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ayon sa mga awtoridad, libo-libo ang inaasahang bibisita sa Cebu sa Sinulog week lalo na pagdating ng January 15, ang “feast day of the Child Jesus.”

Read more:

Truck ban sa Metro Manila, ibabalik na sa Mayo 17

Read more...