Political clan sa Central Luzon, may mga bodyguards at bulletproof SUVs pa Bandera

Political clan sa Central Luzon, may mga bodyguards at bulletproof SUVs pa

Den Macaranas |October 07,2021
share this

Political clan sa Central Luzon, may mga bodyguards at bulletproof SUVs pa

Den Macaranas |
Wacky Leaks
October 07, 2021 - 12:49 AM

Hindi ko masisisi ang isang political clan sa Central Luzon kung magdagdag man sila ng mga bodyguards at bumili ng mga armored SUVs dahil daw sa banta sa kanilang buhay.

Bagama’t malayo pa ang araw eleksyon ngayon pa lang ay nagsimula nang mag-ikot sa kanilang nasasakupan ang pamilyang ito.

Bitbit ng mahabang convoy ang ilang groceries at bigas na ipinamimimigay sa kada pamilya ng mga barangay na kanilang pinupuntahan.

Pero bago sila dumating sa target na lugar ay nauuna na doon ang sangkatutak na mga bodyguards at ilang tauhan ng PNP.

Magkaniwalay rin ng sasakyan ang mag-asawang pulitiko na ayon nga sa aking spotter ay bumili daw ng apat na armored SUV.

Ang kada isang “bulletproof” na level 6 na SUV ay nagkakahalaga ng mula P6 Million hanggang P12 Million depende sa uri ng sasakyan ayon sa aking spotter.

Wala namang negosyo ang mag-asawang ito kaya “alam na this” kung saan galing ang pinambili sa nasabing mga sasakyan ayon pa sa aking cricket.

Tulad ng maraming political clan, nagpapalitan lang sa pwesto ang mag-asawang bida sa ating kwento.

Taktika nila ito para di sila malusutan ng mga kalaban sa pulitika dahil kapag hindi nakapwesto isa man sa kanila ay alam nilang mahihirapan na silang makabalik na tulad na lamang ng mga nangyari noon sa iba pang pulitiko sa lalawigan.

Ang mag-asawang pulitiko na grabe kung magpakita ng pwersa hindi lamang sa kanilang constituents kundi maging sa mga kalaban ng pulitika ay sina….

Di na kailangan ng clue dahil sikat sila sa Central Luzon.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending