Anak ni DOJ Chief Remulla ‘not guilty’ sa kasong illegal drug possession
HINATULAN ng “not guilty” ang anak ni Justice Secretary Boying Remulla na si Juanito Diaz Remulla III para sa kasong “illegal drug possession.”
‘Yan ay base sa inilabas na desisyon ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 197 sa pamumuno ni Judge Ricardo Moldez II.
Nakasaad pa sa napakahabang dokumento na walang sapat na ebidensya upang patunayan na sangkot sa nasabing kaso si Remula III.
“Unfortunately, apart from showing that the package or parcel was handed to the accused, the prosecution did not present other evidence to show that the former knew that it contained marijuana,” ayon sa mga dokumento ng korte.
Saad pa sa desisyon, “The prosecution failed to show that the accused, by receiving the parcel, knew that he was also possessing illegal drugs.”
Bagamat nakaligtas sa kasong illegal drug possession si Remulla III, nahaharap naman siya sa iba pang kaso gaya ng “importation of illegal drugs” at paglabag sa customs law ng Pasay City Prosecutor’s Office.
Kung matatandaan, October 11 nang mahuli ng mga awtoridad ang anak ng DOJ Chief matapos kunin ang isang parcel sa Las Piñas City na naglalaman ng isang kilong “high-grade” marijuana o “kush” na may halagang mahigit isang milyong piso.
Dahil diyan ay kinasuhan siya ng Las Piñas City prosecutor’s office para sa paglabag sa RA 9165 Section 11 o “illegal possession of drugs” at wala itong piyansa.
Bukod pa riyan, nahaharap din siya sa reklamong paglabag sa RA 9165 Section 4 o “illegal importation of drugs” na may parusang multa mula P500,000 hanggang P10 milyon.
Nauna nang sinabi ng kanyang ama at Chief Justice na hindi siya makikielam sa kaso ng kanyang anak.
Gayundin ang ipinangako ni Cavite Governor Jonvic Remulla at sinabi pa na siya mismo ang magbubunyag sa publiko kung sino mang kapamilya ang tutulong sa pamangkin.
Matatandaan ding nanawagan ang maraming netizen sa social media na dapat mag-resign na si Boying sa kanyang pwesto.
Pero ipinagtanggol naman siya ni Pangulong Bongbong Marcos at ilang mambabatas na sinabing walang basehan ang pagpapatalsik sa kalihim.
Related chika:
Anak ni DOJ Chief Remulla umapela ng ‘not guilty’ sa kasong drug possession
PDEA pinayagang hindi magpa-drug test ang naarestong anak ni DOJ Chief Remulla
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.