NAGSALITA na ang social media influencer na si Donnalyn Bartolome matapos mag-trending ang kanyang post patungkol sa pagiging “sad” sa pagbabalik trabaho.
Marami kasi ang hindi um-agree sa sinabi ng dalaga at inalmahan ang diumano’y pagiging “toxic positive” nito at tila disconnected ito sa reyalidad.
Nitong Huwebes, naglabas ng pahayag si Donnalyn at dinipensahan ang sarili laban sa mga negatibong komento sa kanya at nagpasalamat sa mga taong hindi minasama ang trending post niya.
“Hey, thanks to everyone who didn’t take my post negatively. I’m posting to let you know that yung positivity na yun hindi nanggaling sa privilege, matter of fact, it came from experience.. hindi lang talaga ako pala-share ng hirap kasi lagi kong iniisip na baka lalo akong makabigat sa buhay niyo. Mali pala yun.. okay din pala na minsan malaman ng mga tao yung hirap mo at hindi lang yung success mo,” mahabang simula ni Donnalyn.
Aniya, marahil daw ay mali na puro achievements lang ang pino-post niya sa kanyang social media account at dapat raw ibahagi rin niya ang hirap na naranasan
Dito nga ay ikinuwento niya ang mga napagdaanan noong bata pa siya at ang mga karanasan niya habang gumagawa ng pangalan sa industriya.
“Sa lahat ng nasaktan, gusto ko malaman mo pinagdaanan ko din mga sinasabi niyo God knows. Nagcollect ako ng pictures. Dumating ako sa point na lumuluhod ako nagmamakaawa kay God para may makain the next day, pangbayad sa tuition.. sa bahay, bills,” sey ni Donnalyn.
Dagdag pa niya, hindi rin naging madali ang pinagdaanan ng kanyang lolo, ina, at ama na siyang naging dala-dala niya para makapunta sa lugar na tinatamasa niya ngayon.
“Sa di tatapos ng post, I admitted mali ang choice of words ko. And I’m only sharing these experiences in hopes to show sincerity of me admitting that error and not just to save face, kasi like all of you may pinagdaanan din ako so last thing I’d want to do is hurt any of you. Madali magsorry pero how do you know the person really meant no harm? Pag nakilala mo siyang konti. That is the purpose of this post,” hirit pa ni Donnalyn.
Sa kabila ng mahabang paliwanag woth pictures ng dalaga ay marami pa rin ang hindi gusto ang naging paraan niya at kahit nga inisa-isa na niya ang struggles niya ay imbyerna pa rin ang ilang madlang pipol sa kanya.
Related Chika:
Donnalyn may hugot sa pagbabalik-trabaho ngayong 2023, netizens napataas ang kilay: ‘Amaccana accla’
Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee
Donnalyn Bartolome tinalakan ng madlang pipol, binansagang ‘Queen of Toxic Positivity’
Donnalyn Bartolome ayaw tanggapin ang regalo ng ina: Hindi pwede…may utang ako sa ‘yo