Enrique Gil kay Liza Soberano: We might be worlds apart, but you’ve never been closer to my heart

Enrique Gil kay Liza Soberano: We might be worlds apart, but you’ve never been closer to my heart

SA kabila ng sunud-sunod na isyu ng hiwalayan ay mukhang mas nagiging matatag ang love team at real-life couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa kabila nga ng isyu na tila nagkakalabuan na sila dahil madalng na silang makitang magkasama ng madlang pipol ay tila pinatunayan ng aktor na walang katotohanan ang mga bulibg-bulungan ukol sa kanilang relasyon.

Sa Instagram account nga ni Enrique ay ibinandera niya ang mga larawan nila ng aktres habang masayang nagtatampisaw sa dalampasigan at nakikipaglaro sa mga dolphin.

Ito ay bilang pagbati na rin sa dalaga na nag-celebrate ng kanyang kaarawan kahapon, January 4.

“We might be worlds apart, but you’ve never been closer to my heart. To the most beautiful soul in the world. To my best friend and baby. i love you so much. Happy Birthday!!” caption ni Enrique sa kanyang post.

Marami naman ang nag-comment sa post ng aktor para batiin si Liza.

“Nothing but love to the bday girl! We miss ya Hopes! Keep slaying out there!” pagbati ni Eruption.

Saad naman ni Joross Gamboa, “Happy birthday Hope!”

“Grabe yung puso ko! Thank you Enrique for the unconditional love & support… for letting Hopie fly and achieve her dreams! Love you both!”

At mukha ngang wala talagang katotohanan ang noon pang ibinabatong chika ukol sa relasyon ng dalawa dahil ibinahagi pa ni Liza ang post ng kanyang boyfriend sa Instagram story niya.

Reply ni Liza kay Enrique, “Thank you for being there for me even it’s hard.”

Sa ngayon ay patuloy pa ring tinutupad ni Liza ang kanyang pangarap na gumawa ng pangalan sa Hollywood at kitang-kita naman ang buong suportang ibinibigay ng binata sa kanyang kasintahan.

Related Chika:
Enrique Gil ‘demanding’ raw kaya hindi natuloy sa GMA?

Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN; Enrique Gil lilipat na sa GMA 7?

Enrique Gil tutuloy pa kaya sa pagganap sa ‘It’s Okay Not To Be Okay’?

Read more...