Hirit ng vlogger na si Janina Vela kay Donnalyn: ‘Oo, kailangang maging grateful, pero valid mapagod at malungkot’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Donnalyn Bartolome at Janina Vela
HANGGANG ngayon ay umaani ng batikos at iba’t ibang reaksyon ang naging pahayag ng actress-singer at vlogger na si Donnalyn Bartolome tungkol sa pagbabalik-trabaho matapos ang holiday season.
May mga sumang-ayon at kumampi kay Donnalyn pero mukhang mas marami ang nagalit at na-offend sa naging hugot niya kung bakit may nga taong sad dahil back to work na.
Isa sa mga nag-react dito ay ang isa ring online personality na si Janina Vela. Aniya sa isang tweet, naiintindihan niya si Donnalyn pero hindi lahat ay makaka-relate sa kanya.
Sabi ni Janina, sana raw ay naiintindihan din ng aktres at vlogger na hindi madali para sa isang simple at ordinaryong Filipino ang maghanap ng trabaho na “pakikiligin” sila.
“I understand Ate Donnalyn—pero sana maintindihan rin niya na hindi ganu’n kasimple para sa mamamayan na maghanap lang ng work na papakililigin ka,” pagbabahagi ni Janina.
Aniya pa, “Some even struggle to find jobs with fair wages & work hours.
“Oo, kailangan natin maging grateful, pero valid mapagod at malungkot,” ang punto pa ng nasabing content creator.
Naging national issue talaga ang Facebook post ni Donnalyn kamakalawa, January 3, tungkol sa mga taong na nalulungkot dahil balik-trabaho na uli matapos ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.
Aniya, “Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?”
“Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work.
“If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet,” ang sey pa ni Donnalyn.
Pahabol pa niya, “Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!”