Pokwang ready na ulit tumanggap ng ‘papa’: Bawal ang user ha or ‘mangga’!

Pokwang ready na ulit tumanggap ng 'papa': Bawal ang user ha or 'mangga'!

MUKHANG sa pagpasok ng bagong taon ay handa na ulit mag-entertain ng bagong pag-ibig ang Kapuso actress-comedienne na si Pokwang.

Nagbahagi kasi ang komedyante sa kanyang Instagram story ng larawan kalakip ang tila pagpaparinig sa ibang tao.

“Hoy 2023 na!!! Pwede na kayong mag apply mga papa. Saan na kayo??? Hahaha bawal ang user ha or mangga! Manggagamit!” saad ni Pokwang.

Matatandaang nitong nakaraang taon ay inamin ng Kapuso star na tuluyan na silang naghiwalay ng kanyang asawang si Lee O’ Brian ngunit nananatiling maganda ang pakikitungo nila sa isa’t isa at may maayos na co-parenting set up sa kanilang anak na si Malia.

November 2021 pa nang maghiwalay ang dalawa ngunit nitong Setyembre lang nang pumutok sa madlang pipol ang balita.

Pag-amin ni Pokwang noon, “Una sa lahat walang third party, wala in all fairness kay Papang. Hindi rin pera, kagaya ng mga lumalabas na pera. Hindi ganoon, walang ganoon. Siguro napagod lang kami.”

Kaya naman for sure ay hindi ito patama sa dating asawa dahil okay na okay ang samahan ng dalawa.

Sa katunayan, sa bahay pa ni Pokwang nag-celebrate si Lee ng kaarawan nito last year kasama ang kanyang mga anak.

Samantala, tila may hugot rin ang latest Instagram post ng komedyante kung saan makikitang naglalaro sa swing ang anak na si Malia.

Sey ni Pokwang, “Aaaawww i love you too @malia_obrian kaya natin ito nak laban lang 2023 is another blessings for us yahhooo just you, me and ate @maesubong kaya natin ito!! mama is always here for you and ate i love you both.”

Reply naman ng kanyang panganay na si Mae, “kayang kaya siyempre”.

Maging ang ilang mga netizens ay nag-komento sa naturang Instagram post ng komedyante.

“She still have her daddy and daddy family too right ? She’s so bless to have all people around her she’s so beautiful and smart kid,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “Amen. Glory to God. Yes you can strong woman like you is indeed a fighter in this life’s battle as we are travellers in this temporal world of ours love love hugs to Malia.”

Related Chika:
Pokwang hiwalay na sa asawang si Lee O’Brian, sey ni Ogie Diaz: Last November 2021 pa

#TrueBa: Panganay na anak ni Pokwang na si Ria Mae, buntis nga ba?

Pokwang sa mga nagsasabing pangit sila ni Melai Cantiveros: Kailan namin sinabing maganda kami?

Pokwang nilait-lait dahil sa spelling ng ‘iodine’: Di baleng kulang sa E, kesa kulang ang kaalaman sa kasaysayan

Read more...