Ex-sexy actress Ehra Madrigal umaming na-pressure noon kapag pinipilit magpapayat, gusto pa bang magbalik-showbiz? | Bandera

Ex-sexy actress Ehra Madrigal umaming na-pressure noon kapag pinipilit magpapayat, gusto pa bang magbalik-showbiz?

Ervin Santiago |January 04,2023
facebook
share this

Ex-sexy actress Ehra Madrigal umaming na-pressure noon kapag pinipilit magpapayat, gusto pa bang magbalik-showbiz?

Ervin Santiago - January 04, 2023 - 08:19 AM

Ex-sexy actress Ehra Madrigal umaming na-pressure noon kapag pinipilit magpapayat, gusto pa bang magbalik-showbiz?

Michelle Madrigal at Ehra Madrigal

GUYS, natatandaan n’yo pa ba ang dating sexy star at Kapuso actress na si Ehra Madrigal?

Yes, siya ang nakatatandang sisteraka ni Michelle Madrigal na nagdesisyon ding magpaalam sa mundo ng showbiz noong kasagsagan ng kanyang career ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Nakagawa si Ehra ng ilang teleserye sa GMA 7 at naging cover girl din noon ng FHM pero bigla na lang niyang iniwan ang showbiz at namuhay ng normal at simple kasama ang kanyang asawa at pamilya.

Inamin ng dating aktres na may mga pagkakataong nami-miss din niya ang kanyang pagiging artista dahil mahaba-haba ring panahon ang iginugol niya rito.

Sa latest vlog ng kanyang kapatid na si Michelle, na tulad niya ay tumigil na rin sa pag-aartista, natanong si Ehra kung may plano pa ba siyang bumalik sa showbiz.

“Actually nakaka-miss naman talaga siya. For me kasi, before it was a creative outlet plus I was very passionate about it,” pahayag ng aktres.

Sey ni Ehra, noong una raw talaga ay hindi siya totally motivated sa pag-aartista hanggang sa nag-grow na yung passion niya bilang aktres lalo na noong makatrabaho na niya ang ilan sa mga premyado at respetadong aktor.

“Noong una siyempre, noong parang first year siyempre parang bago pa lang. Feeling ko ay okay I will earn. Hindi ka pa motivated.

“Then of course, noong tumatagal na, na-in love ako doon sa craft. Plus outlet mo siya like especially tayo, very emotional,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EHRA MADRIGAL-YEUNG (@iamehramadrigal)


Ibang-iba raw ang ipino-project ni Ehra sa harap ng mga camera sa tunay niyang personalidad, lalo na pagdating sa pagpapaseksi.

“Ang ganda na meron kang nagagawang iba. Ako normally, mahiyain talaga ako. As Geralyn, pero as Ehra Madrigal, because nag-iiba ako ng character, hindi ako ‘yun. Nami-miss ko siya,” lahad ng sisteraka ni Michelle.

Dagdag pa ni Ehra, “Manang ako. Sobra. So nagulat lahat na oh my gosh si Ehra bakit naggaganyan? Feeling ko ibang tao talaga ‘yun, hindi ako ‘yun.”

At sa tanong kung mabibigyan siya uli ng chance na makabalik sa mundo ng showbiz, game pa rin ba siya o kuntento na siya sa simpleng buhay niya sa ibang bansa?

Tugon ni Ehra, “Kung may opportunity, I just don’t know kung kaya ko pa ‘yung working hours. Not just the stress, also like the pressure.

“Before nakilala ako na nag-FHM. They would always pressure me to always look thin, look good. Now, I don’t care, I am already 37. Kung saan ako masaya talaga, go,” dugtong pa niyang chika.

Ilan sa mga nagawa niyang teleserye sa GMA 7 ay ang “Mulawin”, “Darna”, “Lupin”, “Totoy Bato”, “Majika”, “Kamandag”, “Ikaw Lang Ang Mamahalin” at marami pang iba.

Michelle Madrigal inilibot ang non-showbiz dyowa sa Thailand at Pilipinas

Ex-husband ni Michelle Madrigal nag-react sa bagong niyang ka-date: Cute couple

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Michelle Madrigal sa pagbabati nila ng ina makalipas ang ilang taon: Time heals all wounds talaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending