ISA ang kolumnistang si Cristy Fermin sa mga napa-react sa diumano’y paglantad ng aktres na si Kylie Padilla patungkol sa kanyang lovelife.
Usap-usapan kasi ngayon kung sino nga ba ang mystery guy na kasa-kasama ni Kylie habang nagbabakasyon sa Thailand na makikita sa isa sa kanyang Instagram reels.
Kaya naman agad itong napag-usapan nina Cristy sa kanyang show kasama ang co-host nitong si Romel Chika.
“Naku naman. Ano ‘to? Si Kylie Padilla lumantad na. Diba, nagpunta sila sa Thailand ng kanyang bagong karelasyon.
“Kaya lang, hindi natin siya mapipilit, puro balikat at paa lang muna ang kanyang ipinapakita. Wala pang face reveal. Pero darating siya diyan, makikita mo,” saad ni Cristy.
Curious na sey pa ni Cristy, “Kaya ang tanong ng buong bayan, ‘Wala na bang demandahan dahil pareho na sila?’ It’s a tie diba, ni Aljur Abrenica. It’s a tie na raw.”
Matatandaang nitong December 2022 ay bali-balita na diumano’y nakikipag-usap raw ang aktres sa kanyang mga abogado.
Natalakay nga rin ito sa YouTube vlog ni Cristy kung saan kasama niya sina Romel at Wendell.
Anila, baka may kinalaman raw ito sa estranged husband ni Kylie na si Aljur Abrenica na bali-balitang ama ng “ipinanganak” diumano ng sexy star na si AJ Raval.
Bagamat walang kumpirmasyon mula kay AJ patungkol sa pagbubuntis at panganganak nito ay matigas namang pinaninindigan ni Cristy ang kanilang iniulat na totoo ang pagdadalangtao ng aktres.
Anyway, bukas naman ang BANDERA sakaling naisin na ni Kylie ang i-reveal ang lalaking tila nagpapasaya ng kanyang puso.
Related Chika:
Cristy tinawag na ‘damage control’ ang interview ni Kylie; naawa kay Jessica Soho
True ba, Kylie Padilla nakikipag-usap na raw sa mga abogado, sino kaya ang idedemanda?
Cristy kay Kylie: Magtayo ka ng sarili mong publikasyon!
Kylie hindi na nakapagtimpi kay Cristy Fermin: Grow up! Ang tatanda nyo na