Pagpo-propose ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose inaabangan na ng fans: ‘Naiihi kami sa sobrang kilig!’
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Rayver Cruz at Julie Anne San Jose
SA sobrang in-love sa isa’t isa nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ay inaabangan na ng publiko ang pagpo-propose ng singer-actor since nasa marrying age na siya.
Sa obserbasyon namin ay si Julie Anne na ang gustong makasama ni Rayver at hindi niya sasayangin ang magandang pakikitungo sa kanya ng magulang ng singer-actress at gayun din ang magandang pagtanggap ng pamilya ng aktor sa kasintahan.
Anyway, maging ang bestfriend ni Rayver na si Gerald Anderson ay napa-react sa larawang ipinost nitong kasama si Julie Anne habang nasa isang fine dining.
Ang caption ni Rayver, “So proud of you! Cheers to greater things ahead! Nag iisa ka lang Maria Clara.”
Komento ni @andersongeraldjr, “Happy for u bro.”
Dagdag pa ng aktor, “Sana madala mo ako sa wolfgang one day.”
Sagot naman ni @rayvercruz, “@andersongeraldjr hahaha brother miss you so mats.”
May reaksyon dito ang netizen na si @skyheavennabaunag, “super bagay kayong dalawa same as Diane and Rodjun both can sing and dance..wish road to forever na kau Julie and Rayver.”
Sabi ng super loyal na supporters ng JulieVer na si @booooyyyyeeeehhhh2, “Naiihi ako sa kilig hahahhaa.”
Ang wifey naman ni Rodjun na si @dianne_medina ay napa-react ng, “(heart emojis) love you both!”
Face with hearts emoji, 100% at praying hands emoji naman ang reaksyon ng kuya ni Rayver na si Rodjun Cruz.
Puro heart at happy face emojis din ang comment ni Jak Roberto.
Mula naman sa netizen na si @lhorpega07, “Alagaan mo talaga yan lalot virhen pa si maria clara swerte mo sa kanya ray napaka hinhin nya ganyan ang dalaga talaga mabait multi talented na sya kaya stay in live wid each other (hearts and clapping hands emoji).”
Randam naman ni @giana.villanueva ang feelings ni Rayver, “I just feel your purest sincerity towards her. I hope you make her happy forever. She deserves to be loved. She’s a good woman. I love you Chulie.”
Paniniwala naman ni @imhopieee, “Sila talaga yung pinagtagpo at tinadhana.. super bagay.”
Opinyon ni @litaadobas, “Mas infavor itong family na ito Kay Jules Kay sa previous girl in Ray (laughing face emoji).