Mutya ng Pilipinas queens may New Year’s resolution din
KASUSUNGKIT lang ng mga reyna ng Mutya ng Pilipinas sa mga korona nila ngayong buwang ito, at tiyak na magbabago ang buhay nila dahil sa mga titulo nila. Kaya naman tinanong ng Inquirer kung ano ang saloobin nila ngayong magsisimula ang isang bagong taon bukas.
“I believe in New Year’s resolutions. I really believe in setting something for yourself at the beginning of the year to guide you,” sinabi ni Mutya ng Pilipinas Iona Gibbs sa Inquirer sa isang panayam sa victory party na ipinagdiwang ng organisasyon para sa kanya at mga kapwa niya reyna kamakailan sa CWC Interiors sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
“I think my biggest resolution next year is to continue making those that I love proud. After this pageant I have felt so much love and I’ve heard constantly how proud they are of me, and that is what is driving me. I hope to continue making them proud in everything I do with this crown on my head,” ibinahagi pa niya.
Sinabi ni Mutya ng Pilipinas-Tourism International Jeanette Reyes na nais niyang dagdagan ang kumpiyansa sa sarili sa 2023, “because most of the time, especially this year, I tend to doubt myself a lot of times.” At ngayong may korona na siya bilang Mutya ng Pilipinas, sinabi ng Bicolanang reyna na “I will use this as a challenge for me to be more confident and to believe myself even more.”
Nais namang maipagpatuloy ni Mutya ng Pilipinas-Overseas Communities Jesi Mae Cruz ang pagsabak sa mga patimpalak. “My New Year’s resolution would be to compete in another pageant next year and bag another crown.”
Pagpapatuloy pa niya: “This year was actually so hard for me because it’s my third pageant this year. They were all back-to-back, and that isn’t normal, I know it isn’t. But I am not ready to stop this journey. I’m not ready to stop pageantry just yet. I want to keep going and strike while the iron is hot.”
Samantala, sinabi naman ni Mutya ng Pilipinas-Luzon Shannon Robinson na wala siyang New Year’s resolution. “I think if you want to apply something, you don’t need to wait till the new year to do so,” aniya.
Ganito rin ang saloobin ni Mutya ng Pilipinas-World Top Model Arianna Padrid at hinayag na, “I think you can change anything you want anytime.” Ngunit sinabi pa rin niyang “I think it’s more of a comfort for some people knowing that it’s the change of a new year, so they can begin. But whatever works for anyone that’s what’s best for them.”
Kinoronahan ang mga reyna ng 2022 Mutya ng Pilipinas pageant tatlong taon makaraan ang huling edisyon nito noong 2019. Nagpahinga ang patimpalak noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa susunod na taon, sasabak sa World Top Model contest si Padrid, at sa Miss Tourism International pageant naman si Reyes. Sinabi ng Mutya ng Pilipinas organization na aktibo silang naghahanap na isang pandaigdigang patimpalak na sasalihan ni Gibbs sa 2023 din.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.