Heart Evangelista suot-suot na uli ang wedding ring nila ni Chiz Escudero, pero netizens kumontra | Bandera

Heart Evangelista suot-suot na uli ang wedding ring nila ni Chiz Escudero, pero netizens kumontra

Ervin Santiago |December 31,2022
facebook
share this

Heart Evangelista suot-suot na uli ang wedding ring nila ni Chiz Escudero, pero netizens kumontra

Ervin Santiago - December 31, 2022 - 04:14 PM

Heart Evangelista suot-suot na uli ang wedding ring nila ni Chiz Escudero

Heart Evangelista at Chia Escudero

KUNG wala nang naging aberya, baka nakauwi o pabalik na sa Pilipinas ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Naipangako ng aktres at fashion icon sa kanyang fans and social media followers na dito sa Pilipinas niya sasalubungin ang Bagong Taon.

Nabanggit niya ito sa ipinost niyang video sa Instagram na kuha habang nasa isang lugar sa Paris, France kung saan siya nagdiwang ng Pasko kasabay ng ilang karaketan na natanguan niya roon.

Aniya, sinasamantala na niya ang pagrampa sa French capital bago siya umuwi sa Pilipinas bago magpalit ang taon. Kasunod nga nito ang mensahe niya sa asawang si Sen. Chiz Escudero na, “See you soon escuderochiz.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Sa bagong post ng aktres sa IG, napansin ng mga netizens na suot-suot na uli ng Kapuso star ang wedding ring nila ni Chiz na isa sa mga patunay na very much together pa rin ang celebrity couple.

Pero sey naman ng ilang IG followers ni Heart ay hindi raw ang wedding ring nila ni Chiz ang nasa finger niya dahil iba raw ang style at hugis nito.

“When modelling she has to remove her ring, her constant change of accessories might be misplace or get lost her wedding ring.”

“Wedding and engagement ring on yay!!”

“Her engagement ring and wedding ring was heart shaped. The one she is wearing is different. Anyway ,whatever as long as she is happy.”

“The rings are back!!!”

“Ok, wedding ring And Engaement ring Saying Helloo Philippines!”

“Uwi kana Darling may naghihintay sayo.”

Yan ang ilan sa mga comments ng netizens sa IG post ng Kapuso star.

Matagal-tagal ding naging headline sina Heart at Chiz matapos kumalat ang balita na hiwalay na sila kung saan napagbintangan pang nambabae umano ang senador kaya iniwan siya ng kanyang misis.

Mula nang pumutok ang balitang naghiwalay na ang mag-asawa ay never silang nagsalita about their breakup at kahit nga si Sen. Chiz ay hindi rin naglabas ng opisyal na pahayag tungkol dito.

Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha?

Heart, Chiz may pinagdaraanan bilang mag-asawa, totoo nga kayang naghiwalay na?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending